Mga pagdiriwang sa pista ng Santo Niño, idinaraos sa Maynila at Cebu
Maagang sinimulan nitong Linggo ang mga pagdiriwang sa kapistahan ng Santo Niño sa Maynila at sa probinsya ng Cebu. Sa Maynila, nagsagawa ng prosesyon ang mga deboto sa Tondo matapos dumalo sa Misang pinamunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cadrinal Tagle, ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa radio dzBB. Inilagay rin ng ilang mga deboto ang imahe ng Santo Niño hindi lamang sa kanilang mga sasakyan at sa fire trucks kundi pati na rin sa mga kuliglig (improvised na tricycle). Sa gitna ng pagdiriwang, mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang seguridad laban sa mga kriminal. Samantala, sa Cebu, mahigpit din na binabantayan ng mga pulis ang mga kalsadang dadaanan ng Sinulog Grand Parade, ayon sa ulat ni dzBB affiliate Jasmine Baylosis. Dagdag nito, umaasa ang mga pulis na magkakaroon ng zero crime rate sa pagdiriwang ngayong taon. Tinatayang aabot sa apat na milyong bisita ang dadasa sa Cebu sa pagdiriwang ng Sinulog 2013. Ayon sa ulat, fully booked na ang mga hotel ng mga turistang nais makilahok sa Sinulog. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News