ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hotel sa Olongapo, nasunog; 5 dayuhan, kabilang sa 7 nasawi


Pito katao — dalawang Pinoy, tatlong Amerikano, isang Briton at isang South Korean — ang nasawi sa pagkasunog ng isang maliit na hotel sa Olongapo City nitong Biyernes ng madaling-araw. Sa ulat ng GMA News TV's "Quick Response Team" nitong Biyernes, inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na posibleng problema sa linya ng kuryente ang dahilan ng pagkasunog ng Dryden Hotel. Lumitaw sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nakakandado ang fire exit ng hotel kaya hindi rin makalalabas ang mga biktima kung nagkaroon sila ng pagkakataon. Sinasabing dalawang oras lang tumagal ang sunog. Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV's "SONA" nitong Biyernes ng gabi, sinabing dalawa na lamang sa pitong nasawi ang hindi pa nakikilala. Inilarawan na burned beyond recognition ang mga labi ng mga biktima kaya mahirap silang kilalanin na. Ayon kay City civil defence chief Angelito Layug, ang hotel na nasunog ay pag-aari ng retiradong American serviceman. — FRJ, GMA News

Tags: fire, sunog