Filtered by: Topstories
News

Lusis, pinaniniwalaang dahilan ng pagkasunog ng ancestral house sa Pangasinan


Hinihinalang lusis ang dahilan ng pagkasunog ng isang dalawang palapag na ancestral house sa Calasiao, Pangasinan. Sa Bangued, Abra, isang sky lantern naman ang pinaniniwalang dahilan ng pagkasunog ng isang videoke bar. Inihayag ng isang saksi sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, na maaaring natalsikan ng siga mula sa lusis ang loob ng ancestral house sa Brgy. Banawag, Calasaio na pinagmulan ng sunog. Walang tao sa loob nabanggit na bahay kaya walang nasaktan. Pero naabo ang lahat ng gamit na nasa loob nito. Naagapan naman ng mga bumbero ang mga kalapit na bahay ng ancestral house kaya hindi na kumalat ang apoy. Sa Bangued, Abra, makikita pa ang bahagi ng sky lantern na nakasabit sa puno na malapit sa nasunog na videoke bar. Hinala ng mga imbestigador, maaaring nahulog sa bubong ng videoke bar ang apoy mula sa sumabit na sky lantern. Gawa sa pawid at kahoy ang videoke bar kaya madali itong natupok. - FRJ, GMA News

More Videos