ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga biktima ng bagyo, hinihinalang nasa likod ng pagsugod sa bodega ng NFA sa Cateel


May 500 katao ang sumugod umano sa isang bodega sa Cateel, Davao Oriental na pinag-iimbakan ng mga bigas at palay ng National Food Authority (NFA). Isa lang umano ang guwardiya na nagbabantay sa bodega kaya wala itong nagawa nang sumugod na ang mga tao, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes. Ayon sa pulisya, tinatayang 8,000 sako ng palay ang natangay ng mga sumugod. Posible umanong mga biktima ng bagyong “Pablo" ang sumugod sa bodega na hindi na mahintay ang mga ibinibigay na donasyon sa kanilang lugar. Kabilang ang bayan ng Cateel sa mga lugar na matinding pininsala ng bagyo. - FRJ, GMA News