Filtered By: Topstories
News

Ahas na mayroon daw 2 paa, nahuli sa Ilocos Norte


Isang magsasaka ang nakahuli umano sa isang ahas na mayroong dalawang paa sa Paoay, Ilocos Norte. Sa GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi umano ng magsasaka na nakita niyang gumagapang ang ahas habang nagbubuhol siya ng dayami sa bukid. Ngunit lalo daw nagulat ang magsasaka nang makita niya ang dalawang kamay ng ahas. Paliwanag naman ng isang beterinaryo, posible umanong nagkaroon ng abnormality ang ahas habang nabubuo pa lamang ito noong nasa itlog pa lamang. Bihira lang daw mangyayari ang naturang uri ng abnormalidad. Noong 2009, may iniulat na rin isang ahas na mayroong isang paa ang nahuli sa Suining, China. - FRJimenez, GMA News