Filtered By: Topstories
News

Nagpuputol ng sanga ng kahoy, nakuryente, patay


Patay ang isang lalaki matapos makuryente nang mataga nito ang kawad ng kuryente habang nagpuputol ng sanga ng puno sa Orion, Bataan. Idineklarang dead on arrival sa ospital noong Huwebes ang biktimang si Silverio Gonzales, 40-anyos, mangingisda. “Nang putulin niya ang sangang sumabit sa kable ng kuryente, nanigas siya at pagkatapos nalaglag siya mula sa puno," kuwento ni Daniel Espinas, matalik na kaibigan at kasama ng biktima. Nangako naman umano ang may-ari ng puno na sasagutin nito ang pagpapalibing sa biktima na pinakiusapan na putulin ang sanga. Nakalagak ngayon ang mga labi ng biktima sa barangay St. Francis II sa Limay, Bataan. -- Ernie B. Esconde/FRJ, GMA News