Filtered By: Topstories
News
NDRRMC: Bilang ng namatay sa bagyong Ofel, umakyat sa 24
Tuluyan na ngang nakalabas sa Pilipinas ang bagyong Ofel ngunit umakyat na sa 24 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa pananalasa nito sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sa panayam sa dzBB umaga nitong Sabado, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Benito Ramos na maliban sa 24 na namatay, missing pa rin ang 9 katao, habang nasa 19 naman ang naiulat na nasugatan. Umabot din sa 14,693 na mga pamilya ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo, kung saan 3,382 na mga pamilya ang kasalukuyang nasa 97 na mga designated evacutaion center, ayon kay Ramos. Ang inisyal na naitalang halaga ng mga nasirang pananim ay nasa P36.6 milyon, dagdag pa ng hepe ng NDRRMC. — LBG, GMA News
More Videos
Most Popular