Filtered By: Topstories
News

Thailand target bentahan ng sobrang supply ng sigarilyo ng Pilipinas


Sakaling maipatupad ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga sigarilyo, umaasa ang mga kumpanya ng sigarilyo na bibilhin ng Thailand ang malaking bahagi ng mga hindi mabibiling supply sa bansa.   Sa kasalukuyan, nangungunang exporter ng sigarilyo ang Pilipinas ng Thailand, kung saan tinatayang two-fifth ng cigarette market ay galing sa bansa. Ayon sa Department of Trade and Industry, mas tataas pa ang tobacco export sa Thailand kapag sinunod na ng bansa ang ruling ng World Trade Organization (WTO) na nag-aatas na bawasan ang re-sale taxes ng mga imported na sigarilyo roon upang mapantayan nito ang halaga ng mga sigarilyong gawa roon. “Once fully complied, the WTO ruling would mean improved market access for our tobacco exports in Thailand,” ani Trade Undersecretary Adrian Cristobal Jr. nitong Lunes. Kasalukuyan pang pinagdedebatehan ng mga mambabatas sa bansa ang panukalang sin tax. Sa nasabing panukala, inaasahang bababa ang demand sa tobacco products kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga ito. Nagsagawa ng ilang serye ng bilateral discussions ang Pilipinas at Thailand upang mapadali ang pagsunod ng Thailand sa July 2011 ruling ng WTO, na pumapabor sa Pilipinas. Unang binigyan ng WTO ang Thailand ng hanggang Mayo 15, 2012 para ipatupad ang ruling, ngunit naurong ito sa Oktubre 15. “Our fundamental goal is to promote our national interest and we have fully preserved our rights in this dispute. The Philippine government, through the Philippine Mission to the WTO, is working closely to ensure Thailand's full compliance,” ani Cristobal. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News

Tags: thailand, sintax