Filtered By: Topstories
News

Basura at sakit, problema sa ilang bayan sa Pangasinan tuwing malakas ang ulan


Bukod sa baha, problema rin ng mga Pangasinense ang mga basurang naipon at pagtaas ng kaso ng mga sakit tuwing malakas ang ulan. Sa Dagupan, Pangasinan, hinahakot na ang mga basurang napadpad sa baybayin ng Brgy. Bonuan Binloc na galing sa Lingayen gulf, ayon sa Balita Pilipinas Ngayon. Ang mga basura na kinabibilangan ng mga plastic, kahoy at sanga ng puno ay sinasabing nagmula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na tinangay ng alon papunta sa baybay ng Dagupan. Samantala, minomonitor naman ng provincial health office ang pagtaas ng kaso ng gastroenteritis at typhoid fever sa ilang bayan sa Pangasinan na nagkaroon ng mga pagbaha. Kabilang sa mga bayan na ito ang San Carlos, Alaminos at Malasiqui. -- FRJ, GMA News