Filtered By: Topstories
News

Pagtatanim ng gulay sa bakuran, isinusulong sa Pangasinan


Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Villasis, Pangasinan ang mga residente nito na magtanim ng gulay sa bakanteng lugar sa kanilang bahay. Sa GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing isa sa mga tumugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan ay si Mang Sonny Javier. Bagaman noong nakaraang buwan lang niya sinimulan ang pagtatanim ng mga gulay sa kanyang bakuran tulad ng talong, okra at sitaw, ramdam na raw niya ngayon ang pakinabang nito. Bukod sa hindi na niya problema ang kanyang ulam, pinagkakakitaan na rin niya ang mga bunga ng kanyang mga gulay. “Kung makikita mo na may bunga na, parang wala na yung pagod," masayang kwento ni Mang Sonny. Ayon sa opisyal ng Villasis Agriculture Office, tipikal naman sa mga Pinoy ang pagtatanim ng gulay sa kanilang bakuran. Para mahikayat ang mga residente na magtanim, namigay ang lokal na pamahalaan ng mga libreng binhi. – FRJ, GMA New