Inihayag ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na umaabot sa 10 Pinoy ang namamatay bawat oras bunga ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo. Alamin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang bilang ng mga taong nahuhumaling sa naturang bisyo. Kasabay ng paggunita sa World No Tobacco Day, kinapanayam ni Howie Severino si DOH Undersecretary Eric Tayag sa News To Go ng GMA News TV. Dito ay binigyan-diin ng opisyal ang kahalagahan ng tinatalakay na panukalang batas sa Kongreso na naglalayong taasan ng buwis ang sigarilyo o kung tawagin ay âsin tax" bill. Sa naturang panukalang batas, inaasahang patataasin nito ang presyo ng sigarilyo hanggang sa hindi na kayanin ng mga naninigarilyo⦠lalo na ng mga kabataan na nag-uumpisa pa lamang malulong sa mapanganib na bisyo. Narito ang kanilang talakayan: Howie: Magandang umaga Dr. Eric Tayag. Tayag: Magandang umaga Howie. Howie: Pag-usapan po natin itong paninigarilyo. Nung mag-umpisa akong magtrabaho, pwede pang magsigarilyo sa opisina, eroplano, sa mga restaurant at bar. Ngayon halos wala nang indoor places kung saan pwede kang manigarilyo. Parang napakahigpit na ngayon, ang dami nang no smoking. Halos lahat na ng mga⦠kahit public facilities no smoking. Hindi ba nabawasan ang mga naninigarilyo? Tayag: Howie magandang balita âyang inilalahad mo ngayon. Sapagkat isa âyan sa mga primary intervention para maiwasan natin ang paninigarilyo... ang walang exposure sa mga kababayan natin sa mga public places. Kasi alam mo, globally six million (tao) taon- taon ang namamatay sa epekto ng sigarilyo. At another 600,000 dahil sa epekto ng second hand smoke. So âyan ang primary intervention natin. Dito sa bansa halimbawa, kada oras, 10 (tao) ang namamatay sa smoking related diseases. Ano ang mga ito, lung cancer, cardio vascular disease and even stroke. Howie: Ang point ko lang, napakahigpit na ngayon pero sa kabila niyan ay marami pa rin ang nagsisigarilyo, bakit?
Celebrities who drew flak over smoking photos Two popular celebrities drew flak last year for magazine covers showing them smoking. Multi-awarded actress Nora Aunor was criticized last September by the various sectors for posing for the cover of Yes! Magazine with a smoking cigarette on her right hand. The magazineâs editor-in-chief, Jo-Ann Maglipon, however, defended the cover photo, saying "best captures the iconic star as she is today."Read more Tayag: Tama âyan Howie ang obserbasyon mo, sapagkat may dalawa pang primary intervention. Yung una, na una nating naitalaga ay ang regulation ng mga advertisement ng mga sigarilyo. So nagawa natin âyon, makikita mo wala ng advertisement, wala ng hayagan. Sa point of sale meron pa pero yung talagang hayagan wala na. Pangalawa, yung walang maninigarilyo sa public places, magandang hakbangin âyan. Katunayan nung isang araw lamang, nagbigay kami ng red orchid award sa mga local government at iba pang opisina sa pamahalaan na nagpapatupad ng tobacco free environment. May mga nanalo ng hall of fame at ginawaran namin sila ng P500,000 grant para palawigin pa ang kanilang programa. So congratulation sa Davao city, Legapi city, Calauag, Quezon, Maasim City sa Southern Leyte at saka sa Talisayan, Misamin Oriental. Sana dumami pa sila. Yung pangatlong intervention, tumaas yung presyo ng sigarilyo at doon papasok yung sin tax. Ito ang may pinakamalaking epekto para bumaba ang prevalence ng smoking sa ating bansa. Yun ang hindi pa talagang nangyayari sa ating bansa, yung pangatlong intervention na âyan.
Howie: Akala ko meron ng buwis ang sigarilyo?
Tayag: Meron ng tax pero maliit âyon kaya binabago ngayon ng Kongreso. Yun talagang makabuluhang sin tax. Dito papasok yung⦠naiintindihan namin yung reklamo ng mga magsasaka subalit ang datos ay it speaks for themselves⦠10 (tao) ang namamatay kada oras. At kung mababawasan natin by even one-fourth ang bilang ng naninigarilyo, tinataya sa buong mundo by 2020, aabot sa 100 milyon ang maililigtas nating buhay.
Howie: Ipinaliwanag niyo na medyo marami na rin ang nagawa rito sa health advocacy na âto, pero malaki rin ba ang nabawas doon sa naninigarilyo through quitting. Anong porsiyento ngayon ng populasyon ang nagsisigarilyo?
Tayag: Nasa 17 percent tayo ngayon.
Howie: How do we compare it sa other country?
Tayag: Nasa moderate tayo, nasa 23 percent yung latest natin, 17.3 million Filipinos âyon.
Howie: So one-fourth ng Filipino, adults âyon?
Tayag: Oo, 2009 âyon. Uulitin namin yung survey para malaman natin kung tayo ay tumataas pa o bumababa na. Ang target natin ay mabawasan by one fourth. Kung mababawasan natin by one fourth, magkakaroon ng impact dun sa sinasabi ko ngang mababawasan yung maaaring mamamatay sa smoke related diseases.
Howie: Sa ngayon bawal na yung cigarette advertising, bawal na yung maraming klaseng promotion, no smoking na sa maraming lugar, bakit pa magsisigarilyo? Why someone takes up the habit in the first place ngayon? Paano ba nag-uumpisang magsigarilyo ang isang tao?
Tayag: Unang una ang sigarilyo contains nicotine and its addicting. So kung naghithit ka nun, your hook, addicted ka dun. Sa mga pag-aaral namin, nag-uumpisa sa mga kabataan. May ginagaya sila, curiosity o anumang paraan. So yung pangatlong intervention kung saan maibibigay nitong bagong sin tax, tataas ang presyo ng sigarilyo. Hakbangin âyon para hindi bumili ng sigarilyo ang mga kabataan. Kasi wala naman silang trabaho pa, sila yung pumapasok pa, umaasa sa magulang.
Howie: Baka imbes na bumili ng miryenda o lunch sigarilyo na lang bibilhin nila.
Tayag: Sa mahal, âdi nila kakayanin. Halimbawa kagagaling lang naming sa World Health Assembly sa Geneva, ang isang karton dun ng sigarilyo ay P3,000 plus ang equivalent dito sa atin.
Howie: Dito sa atin halimbawang matuloy na itong sin taxes, magkano na ang magiging isang kaha ng sigarilyo?
Tayag: Ito ay tataas siguro ng P200 hanggang P250 . Baka mas mataas pa kasi pinagdedebatihan ngayon yung gaano kataas yung⦠parang nandun na yung diskusyon nila sa plenary. Ganito ba kataas, somewhere in between, o sa dati?
Howie: Pero alam natin na maraming tao, kasama na rin siguro ang karamihan ng kabataan na hindi naman bumibili ng buong kaha. Uso sa atin kung bumili isa, dalawang piraso, tingi-tingi o kaya may maninipis na pack na kalahati ng ordinaryong kaha. Thatâs more affordable kaysa buong kaha.
Tayag: Inaasahan naming na gagawin âyan. Kasi tayoây bansa ng sachet, inaasahan naming gagawin âyan para affordable siya. Marami rin kaming inaasahang gagawin ng industriya.
Howie: Pwede ring bang ipagbawal âyon?
Tayag: Ipinagbabawal ang pagbili, pagbebenta sa minor. Kaya lang yung enforcement ay maaaring iba-iba sa mga pamahalaang loka. Pero kung itoây naipapatupad, malaki ang maitutulong para mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo sa kabataan.
Howie: Dati uso yung mga sponsorship ng mga cigarette companies sa mga concert, sa mga events, kahit sa ma sports event. Dati may mga cigarette sponsor âyan, of course ang target niyan mga kabataan din. Bawal na rin âyon?
Tayag: Bawal âyan, naregulate na namin âyan. Pero alam naman namin na nangyayari pa rin ang mga ganun. Ang tema nga ng World No Tobacco Day ngayon ay âno tobacco industry interference.â
Howie: Kahit bawal sinabi niyo ginagawa pa rin ng cigarette companies yung sponsorships ng mga events na âyan? Paano dapat silang parusahan?
Tayag: Hindi namin sila⦠mahirap kasing imonitor at maaaring patago ang ginagawa nila na sponsorships.
Howie: Pwedeng itago ang sponsorship⦠so, hindi nalagay sa mga⦠bakit ka mag-iisponsor kung hindi ka ibabandera sa mga tarpaulin saka mga advertising?
Tayag: Ang mga gumagamit nun at ano⦠pwede nilang⦠may social media na tayo e.
Howie: Dun nila itinatago?
Tayag: Yes.
Howie: Wala kayong mole sa social media?
Tayag: Galing nga ako sa Geneva magugulat ka. May isang kuwarto doân ang pwede lang pumasok hindi naninigarilyo, no smoking. Ang sa atin, ang pinapasok natin sa enclosure, yung naninigrilyo. Ayaw nating mangyari yung ganun kung saan yung majority ay naninigarilyo at tayo yung nasa enclose space. Dapat ang nasa enclose space yung naninigarilyo
Howie: Saka ang Pilipinas kung ikukumpara mo sa ibang bansa, progressive na tayo dito sa mga no smoking policy. Kasi nung nagpunta ako sa Japan ang dami-daming Hapon na nagsisigarilyo, kahit sa loob ng mga meeting, sa mga building. Siguro napinsin niyo rin yun kapag nagpupunta kayo sa Japan, parang nauuna pa tayo sa isang iniisip niyong progresibong country.
Tayag: Howie maganda âyan. Lahat ginagawa ng Kagawaran ng Kalusugan at iba pang ahensiya. So nagpapasalamat kami dun sa nagpapatupad ng tobacco free environment, nagpapasalamat kami sa nagpapatupad sa regulation ng advertisement sa no smoking, at lalo kaming magpapasalamat sa Kongreso kapag naipasa nila itong sin tax. Sapagkat double day âtong sin tax na âto, mababawasan yung bilang ng naninigarilyo, subalit yung perang malilikom natin dito ay makakatulong sa pagtustos natin, sa gagastusin natin para maging malusog ang sambayan.
Howie: Kahit marami nang hakbang ang DOH at katulad niyo, marami pa ring kabataan ang nag-uumpisang magsigarilyo. Siguro sa isip nila this is something cool. Nakakatulong sa kanilang reputasyon, imahe. Ano naman ang magagawa para kontrahin âyon? Aside from this policy, structural methods, nag-uumpisa âyan dahil nakakatulong sa lifestyle ng isang teenager.
Tayag: Siyempre gusto natin ma-restrict yung kanilang exposure nila sa paninigarilyo. So, gawin natin mas mahirap na makabili sila ng sigarilyo. Kaya may batas na bawal magbenta sa minors. Pangalawa sa mga paaralan, inaasahan namin na itinuturo ng mga guro ang ill effects ng paninigarilyo para maintindihan nila. Alam mo Howie kaya hindi natin masawata ang bisyong âyan sapagkat, âpag nanigarilyo tayo e meron agad magandang epekto sa ating katawan. Parang may satisfaction tayo. Subalit kalaunan, sa tagal niyan, dâyan lumalabas na yung komplikasyon dahil may mga carcinogen dâyan, cancer. Epekto na maaaring magdulot ng stroke, sakit sa puso na hindi kaagad lumalabas kahit ilang taon ka nang naninigarilyo. It takes several years.
Howie: Meron ba kayong naidentify na role model na hindi nagsisigarilyo na pwedeng sabihin ng mga teenager na cool itong tao na ito at hindi siya naninigarilyo? Kasi baka yun ang tinutularan ng mga nagyoyosi, mga cool na tao, artista o mgaâ¦
Tayag: Siguro magiging maganda sapagkat artista ang tinitingala nila. Siguro magiging maganda ang mga programa natin sa telebisyon, at siguro ang MTRCB pwede kaming tulungan na walang naninigarilyo sa mga pelikula at mga TV program. Yun malaking tulong âyon kasi ang iniidolo ngayon ng mga kabataan ay mga artista, celebrity. So kung hindi sila makikitang naninigarilyo like sa mga TV programs, sa mga telenobela, saka sa mga pelikula kung saan nila napapanood, malaking tulong po âyon.
Howie: Okey, maraming salamat Dr Tayag ng Department of Health. â
FRJimenez, GMA News