Filtered By: Topstories
News

Pinakamaraming gupit ng buhok sa Pilipinas


Alam niyo ba kung ilang tao ang ginupitan ng buhok ng isang grupo ng mga barbero na ginawa sa loob ng tatlong oras sa Pilipinas? Sinasabing hawak ng London ang world record na 246 haircuts na ginawa ng walong barbero sa loob ng walong oras na ginanap sa New Jersey. Sa Houston, Texas, 10 hairstylists naman ang may hawak ng record para sa 349 haircuts sa loob ng 24-oras. Sa Brgy Arkong Bato, Velenzuela City, pinangasiwaan nina Councilor Cristina Marie Feliciano, chairman Rovin Andrew Feliciano, at dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang programa na makapagtala ng pinakamaraming gupit ng buhok sa Pilipinas. Sa tulong ng may 10 barbero mula sa Newsbarbers at Reyes Haircutters, nagawa nilang maitala ang Philippine record na 388 haircuts sa loob lamang ng tatlong oras. Plano umano nina Barbers na ipadala ang video footage at mga larawan ng ginawang gupitan sa tanggapan ng Guinness World Record sa pag-asang maisama ito sa world record. - FRJ/KG, GMA News

Tags: pinoytrivia