Unang dayuhang babae na nagpapako sa krus sa Pampanga
Alam niyo ba na noong 1994 ay isang dayuhang babae ang nagpapako sa krus sa Pampanga para ipanalangin ang paggaling ng kanyang inang may sakit? Sa taunang tradisyon ng pampapako sa krus sa ilang lugar sa Pampanga tuwing Biyernes Santo ng Semana Santa, 14 katao ang ipinako sa krus sa lalawigan noong 1994, kabilang ang turistang Belgian national na si Godolieve Rombault. Ang pagpapako umano ni Rombault sa krus ay para sa kanyang inang may karamdaman. At matapos ang may dalawang minutong pagkakapako sa krus sa harap ng matinding sikat ng araw, sinasabing nawalan ng malay ang dayuhan. Kasabay ni Rombault na ipinako sa krus nang panahon iyon ang Pinay faith healer na si Amparo Santos, na mas kilala sa tawag na “Mother Paring." - FRJimenez, GMA News