Mga baril, dapat daw ipaliwanag ni Corona
Dapat umanong ipaliwanag ni Chief Justice Renato Corona ang ibaât ibang armas na sinasabing pag-aari nito at kung bakit hindi ito nakadeklara sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALNs). Giit ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, dapat nakasaad sa SALN ang mga armas bilang bahagi ng kanyang ari-arian. âKung substantial ang value, that has to be declared also in (his) SALN. It is something he will have to answer, if it was unreported asset on top of the bank deposits and the properties brought out in the impeachment trial," pahayag ng opisyal sa panayam ng dzRB radio nitong Sabado. Una rito, lumitaw sa talaan ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office, na may 31 ibaât ibang uri ng lisensiyadong baril si Corona. (Basahin: Corona, nagmamay-ari umano ng 31 uri ng baril) Nagkaroon umano ng mga lisensyadong baril si Corona mula noong 1997. Kasama rito ang 18 pistola, anim na rebolber, dalawang machine pistol, dalawang shotgun, isang sub-machinegun, isang high-powered rifle, at isang carbine. Mayroon din siyang Uzi, Beretta, at Glock, na kilalang uri ng mga baril. Sa naturang bilang, dalawang baril na lamang umano ang hindi pa paso ang lisensya: isang .380-caliber pistol na may bisa pa hanggang Oktubre 15, 2015 (Lic. No. 374-2900); at 9mm machine pistol (T0624-07V0060978), na hanggang Oktubre 15, 2014 pa ang bisa ng lisensiya. Noong 1997, isang 83-anyos na lalaki ang nagreklamo na tinutukan siya ng baril ni Corona. Nariin naman itong pinabulaanan ng punong mahistrado. Samantala, tumanggi naman si Valte na magkomento tungkol sa text message na umanoây may $1.8-milyon sa bangko si Corona. âNakatanggap ako ng text message. Utang na loob tigilan nyo ako (pero) wala akong information [tungkol sa umano'y dollar account ni Corona] na sinasabi ng text message," ayon sa opisyal. â FRJ, GMA News