Filtered By: Topstories
News

Hinihinalang sinkhole o paglubog ng lupa, nakita sa Cebu


Nangangamba ang ilang residente sa isang barangay sa Dumanhog, Cebu na baka lumaki pa ang hinihinalang sinkhole o paglubog ng lupa na nakita sa kanilang lugar nitong Biyernes. Sa News TV Live nitong Sabado, sinabing napansin na lamang ng caretaker sa farm kung saan nakita ang paglubog ng lupa sa Brgy Cammboang, na unti-unting lumulubog ang isang bahagi sa kanilang sakahan. Tinataya ng mga residente na hindi bababa sa 16 feet ang diameter nang lumubog na lupa. Wala namang nasaktan o nasirang bahay sa nangyaring paggalaw ng lupa. Naipagbigay-alam na rin umano sa Mines and Geosciences Bureau ang nangyaring insidente. Sinabi naman ng MGB, na hindi nakapagtataka kung magkaroon ng sinkhole sa Cebu dahil malaking bahagi ng lalawigan ay binubuo ng limestone. Kadalasan nagkakaroon umano ng sinkhole kapag panahon ng mga pag-ulan. -- FRJ, GMA News

Tags: sinkhole