Filtered By: Topstories
News

My 32 Years In America


Nakarating ako rito sa California noong October 1979. Ang aking kabiyak ay nauna na sa akin dito kaya hindi naman ako nahirapan sa aking pagadating. Nakitira kami sa aking biyudong biyenang lalaki sa isang maliit na 1-bedroom apartment sa unang taon ko rito. At inabot din ng pitong buwan bago ako nakakuha ng trabaho sa isang kumpanya ng langis.


Tapos ako sa atin ng engineering ngunit hindi naman kinikilala rito ang aking natapos at pati na ang aking naging karanasan sa trabaho. Saka lamang ako nakahanap ng trabaho nang alisin ko sa aking “resume" ang bahagi na ako ay nagtapos ng Engineering.
-- Steve L.
Tapos ako sa atin ng engineering ngunit hindi naman kinikilala rito ang aking natapos at pati na ang aking naging karanasan sa trabaho. Saka lamang ako nakahanap ng trabaho nang alisin ko sa aking “resume" ang bahagi na ako ay nagtapos ng Engineering. Pero hindi ko sinasabi na ang nangyari sa akin ay nangyari rin sa lahat ng mga nakatapos sa atin ng engineering na naghanap dito sa Amerika ng trabaho. This was what happened to me… “rotating shifts" ang trabaho ko pero pinagtiyagaan ko na rin dahil mahusay naman ang pasahod at mga benepisyo. May mga ilang araw sa isang linggo na hindi kami nagkikita ng aking asawa dahil sa schedule ng aming trabaho. Malaking gulat sa akin nang makuha ko ang aking unang sahod na maraming bawas, mula sa federal tax, state tax, social security, medicare tax at marami pang iba. Ang kaltas ay umabot halos ng 40% ng sweldo ko. Nakatikim din ako dito ng diskriminasyon even sa iba kong kasamahan sa trabaho na itim. Inspite of it, nagsikap pa rin ako at nagtiyaga. Kinikilala rin naman dito ang iyong kasipagan at kakayahan o abilidad. Sa loob ng 12 taon ay umasenso rin ako at naging “Head Operator" ng aking planta. May lima akong mga tauhan na katuwang ko sa pagpapatakbo ng planta during my shift. Pinapadala ako ng kumpanya iba’t ibang “state" para magsanay at mag-aral sa mga bagong pamamaraan ukol sa “safety, environmental concern, at team work." Noong 2008 matapos ang 28 taon kong pagtatrabaho sa kumpanya ay boluntaryong nagretiro na ako.

Marami rin akong napalampas na pagtitipon at mga family occasions dahil sa mahabang oras ko sa trabaho. Ilang taon din na hindi ko nakasama ang aking pamilya sa mga kapaskuhan at special holidays dahil pa rin sa trabaho or may overtime. Sa awa ng Panginoon at sa sariling sipag naming mag-asawa, nakamit ko ang aking pangarap na maagang pagreretiro.

Salamat sa aking pag-iipon na tinapatan naman ng aking kumpanya ng 7% ng aking “base pay," plus yung company retirement program. Kaya nakayanan kong magretiro sa edad na 56 pa lang. Kasama rin doon ang mahabang taon ng pag-o-overtime. Marami rin akong napalampas na pagtitipon at mga family occasions dahil sa mahabang oras ko sa trabaho. Ilang taon din na hindi ko nakasama ang aking pamilya sa mga kapaskuhan at special holidays dahil pa rin sa trabaho or may overtime. Sa awa ng Panginoon at sa sariling sipag naming mag-asawa, nakamit ko ang aking pangarap na maagang pagreretiro. I could have retire a year earlier but I have a daughter that still goes at the University so I decided to delay it for another year. Binibilang ko ang aking sarili na mapalad dahil bihira naman dito ang nakatitigil sa paghahanapbuhay nang maaga at boluntaryo maski sa mga taal na tagarito mismo. Nagka-ideya ako in the early 80’s sa pag-iipon nang mabasa ko ang isang manipis na aklat na may titulong “The Richest Man in Babylon." Sa aklat na ito ay payo na sa bawat sahod ay kailangan na unahin mong bayaran ang iyong sarili ng at least 10 % na siya mong iipunin. Yung aking naiipon ay binibili ko ng company stocks at other mutual funds that the company are offering for their employees to invest. Nagtiis din kaming mag-asawa sa dalawang lumang sasakyan ng mahabang panahon. Tatlong taon na akong retiro at six months ago ay naisipan kong maghanap uli ng trabaho dahil sa ako nga’y fixed income na sa aking pension. So it will be a good for me to have an extra money plus medyo malibang-libang naman ako kung may trabaho maski part time man lang. Pero laking gulat ko dahil sa wala akong makuhang trabaho maski part time! Siyangapala, yung aking panganay na anak ay inabot ng mahigit na anim na buwan sa paghahanap ng trabaho even with his “Master". The job he found was not even permanent. Ito namang bunso namin ay katatapos lang sa UCLA three months ago and so far ay wala pang makitang trabaho. Sa tagal ng paninirahan ko rito sa Amerika ay hindi ko nakita na ganitong kalubha ang ekonomiya. Ngayon lang ako nakita na buong pamilyang puti ay nanghihingi ng limos sa kanto. Noong araw ay mga minorities lamang ang nakikita kong nanghihingi ng limos at ang mga iyon ay mga homeless at mga substance abusers (alcoholic at drug addicts). Ngayon ay marami ang mawawalan ng trabaho at nareremata rin ang kanilang mga bahay.

Nananawagan ako sa mga kamag-anak ng OFWs, unawain sana nila ang kalagayan ng kanilang kapamailyang OFWs lalo na sa kalagayan ng ekonomiya ngayon sa buong mundo. Pagyamanin at masiyahan sa kung ano mang naipapadala ng kanilang mga OFW.

Naaawa ako doon sa pamilya lalo na kung kasama yung kanilang maliliit na mga anak. Inaabutan ko ng konting pera kung may cash ako sa bulsa dahil I felt sorry for the kids. Mahirap na ngayon ang buhay dito. Yung mga good paying jobs ay ipinadala na sa ibang bansa at hindi na ibinabalik. Yung mga computer programmers na ang trabaho ay ipinadala na sa bansang katulad ng India. Ang dahilan, nakakatipid sila ng malaki dahil yung pasahod sa mga local programmer sa Amerika na dating pinapasahod nila ng $45-65K per year, ay nababayaran lang nila ng $4 -6K per year sa India. Ultimo yung trabaho ng radiologist doctors dito ay ipinagagawa na rin sa ibang bansa. Kawawa naman ang taong nawawalan ng hanapbuhay dahil sa “job outsourcing" na ito…mga pamilyang may sinusuportahan at bahay na binabayaran. The Federal government is giving unemployment benefits for these affected people for one year and then you are on your own. Masasabi ko pa rin na sa gitna ng kahirapan dito ay hindi ka pa rin magugutom kung ikaw ay masipag at hindi namimili ng trabaho. Yung pag-asenso at pagyaman ay maliit na ang tiyansa sa ngayon. Maski ikaw ay nakatapos dito ay hindi ka nakasisiguro na ikaw ay makakahanap ng mahusay na trabaho. Sinabi minsan ng aking anak na panganay na born and raised here na iyong konseptong “American dream, a house with two cars in the garage and food in the kitchen," is not true anymore. Nananawagan ako sa mga kamag-anak ng OFWs, unawain sana nila ang kalagayan ng kanilang kapamailyang OFWs lalo na sa kalagayan ng ekonomiya ngayon sa buong mundo. Pagyamanin at masiyahan sa kung ano mang naipapadala ng kanilang mga OFW. May mga kakilala kaming mga kababayan dito na dahil sa kamahalan ng apartment ay nagsasama-sama na sa isang kuwarto maski apat-apat sila para makatipid. An gang natitipid nila ay naipapadala naman nila bilang remittance sa kani-kanilang relatives diyan sa atin. Minimum wage lang naman ang sahod nila at binabawasan pa sila ng oras sa trabaho. Pasalamat ka na kung ikaw ay may hanapbuhay. Hindi na maasahan ang mga pagtaas ng kita taon-taon at binabawasan pa ang oras kung mahina ang kita ng kumpanya. Malakas ang kita ng loterya ngayon dito dahil sa pagka-desperado ng mga tao. Loterya na lang ang pag-asa ng mga nakakarami sa pag-asenso. -- GMA News Lubos na bumabati sa ating mga kababayan, Steve L Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!