Isang ward sa R1MC, Puno ng dengue patients
Hindi magkakilala at mula pa sa magka-ibang bayan ng Mangatarem at Mapandan, Pangasinan ang dalawang suspected dengue patient, pero magkatabi muna sila sa iisang kama sa pedia ward ng Region One Medical Center o R1MC sa Dagupan City, dahil sa dami ng pasyenteng may dengue. Ayon sa ina ng isang pasyente, mahirap ang walang pasyenteng magkatabi sa kama dahil kapag nagising ang isa, damay ang isa pa, hanggang sa kapwa hindi na makatulog. Lampas na sa 60 bed capacity ng pedia ward ang na-admit na pasyente kaya kumuha na ng ibang kama at inilagay sa corridor ng pagamutan. Sa dami ng tao, ang ilan, sa hagdan na naglalagi dahil mainit daw sa loob ng pedia ward. Hinigpitan na rin ang pagpasok ng mga bisita ng kada pasyente sa loob. Ayon sa pamunuan ng R1MC, ngayong buwan lang ng Agosto, 115 cases na ng dengue ang kanilang naitala. âExpected na tataas pa by september kaya nakahanda naman kami anticipated namin kung lumubo pa ito" Ito ang sinabi ni R1MC Spokesperson Dr. Mike Canto. Karamihan sa mga pasyente ng dengue, mga bata. Sa Salisay Elementary School nga sa dagupan city, dalawang mag-aaral na ang tinamaan ng dengue kabilang na si Meryl Esteves. Hindi pa matiyak ng magulang nito kung sa bahay o sa eskwelahan nakuha ni Meryl ang dengue. Nagsuka na lang umano si Meryl kayaât agad itong isinugod sa ospital ng kanyang magulang. Kanina, sinuspendi ang klase sa Salisay Elementary School para magsagawa ng fogging operations. Kinakitaan din ang ilang lugar na pinamumugaran ng lamok sa eskwelahan. Payo naman ng mga espesyalista, mas maigi nang agad magpakonsulta sa pagamutan sakaling makaramdam ng mga sintomas ng dengue upang agad itong malunasan. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews