Filtered By: Topstories
News
Tita ni PNoy, pumanaw habang dumadalo sa libing ng kapatid
MANILA â Nawalan ng malay at tuluyang binawian ng buhay ang tiyahin ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na si Josephine Cojuangco-Reyes, habang dumadalo sa libing ng nakatatanda nitong kapatid na si Don Pedro Cojuangco, na pumanaw noong nakaraang linggo. Isinugod si Reyes sa St. Lukeâs Medical Center sa Global City, Taguig, pero hindi na naisalba ang buhay nito, ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda. Ayon kay Lacierda, nalaman ni Aquino ang nangyari sa tiyahin mula sa kapatid nitong si Ma. Elena âBallsy" Aquino-Cruz. Wala pang detalye tungkol sa burol at libing ni Reyes habang isinusulat ang balitang ito. Nagbibigay umano ng pahayag si Reyes bilang bahagi ng seremonya sa libing ni Don Pedro nitong Martes sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City, nang biglang mawalan siyang mawalan ng malay. Dumalo rin sa libing si Pangulong Aquino pero nalaman nito na tuluyang pumanaw ang tiyahin nitong hapon ng Martes. Si Reyes ay nakatatandang kapatid ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino, ina ni Pangulong Aquino. Naging chairperson si Reyes ng Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation Board of Trustees. Siya rin ang ika-pitong pangulo ng FEU mula 1985 hanggang 1989. Nagsilbi si Reyes bilang board director at vice president ng Central Azucarera de Tarlac, at presidente ng Luisita Realty Corporation. â GMA News
More Videos
Most Popular