Si Paraluman sa awitin ng bandang ‘Eraserheads’
Kilala niyo ba kung sino ang tinutukoy na âParaluman" sa sikat na awitin ng bandang âEraserheads" na âHuling El Bimboâ? âKamukha mo si Paraluman No'ng tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-Boogie man o Chacha" Ito ang liriko ng sikat na awiting âHuling El Bimbo" na nilikha at kinanta ng binuwag na bandang Eraserheads. Si Paraluman ay sikat na aktres noong dekada 40, na ang pangalan sa tunay na buhay Sigrid Sophia Agatha Von Giese. Unang nasilayan sa pelikula ang kagandahan ni Paraluman sa pelikulang Flores de Mayo noong 1940. Ngunit bago siya nakilala bilang si Paraluman, sinasabing Mina de Gracia, ang una niyang ginamit na screen name. Nang maging katambal niya sa mga pelikula si Fernando Poe Sr., ama ng kinikalalang hari ng aksyon na si Fernando Poe Jr., dito na niya ginamit ang screen name na Paraluman, na naging titulo rin ng kanyang pelikula. Taong 1957 nang mapanalunan ni Paraluman ang Best Actress award sa Famas sa pelikulang "Sino Ang May Sala" na mula sa Sampaguita Pictures. Si Paraluman ay ina ng dating aktres at naging Press Undersecretary na si Baby OâBrien. Apo niya ang dati ring aktres na si Rina Reyes. Pumanaw si Paraluman noong 2009 dahil sa cardiac arrest, sa edad na 85. â FRJimenez, GMA News