
Inirekomenda ng Quezon City Prosecutorâs Office ang pagsasampa ng kasong libelo sa komedyanteng si Chokoleit. Ang kaso ay bunga ng mapanira umanong pahayag na inilagay ng stand-up comedian sa Twitter laban sa TV host-columnist na si Cristy Fermin. Ang demanda laban kay Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia sa tunay na buhay), ay iniakyat ng piskalya sa sala ni Judge Evangeline Marigomen ng Q.C. Regional Trial Court Branch 101. Sa apat na pahinang resolusyon, inirekomenda ni Assistant City Prosecutor Michael Millora na isampa ang reklamo dahil sa hindi umano pagsipot ni Chokoleit sa pagdinig, at hindi nito pagsusumite ng counter-affidavit tungkol sa reklamo ni Fermin. Nakasaad sa reklamo ni Fermin na nalaman niya sa pamamagitan ng mga kaibigan ang mapanira umanong pahayag ni Chokoleit laban sa kanya noong June 2010. Nakalagay umano sa Twitter account na may pangalang âchOkOLeit2010", ang mensaheng: âmagbyad ka ng utang mo Shrekty Fermin kapal ng mukha mo!! Mas panget ka! Sinungaling! Kadiri ka. Baho ng mukha mo! Estafadora!" Sa simula ay hindi umano pinansin ni Fermin ang mga mensahe ng akusado sa pag-aakalang titigil ito. Pero nagpatuloy umano ang mga pag-atake sa kanya ni Chokoleit na nakaapekto sa kanyang emosyon at maging sa trabaho. âIt is clear from the messages sent by the respondent from his own social network website that he has the intention in maligning the reputation of the complainant branding her as âestafadora" or swindler," pahayag ni Millora sa resolusyon. âThe existence of malice in fact may be shown by extrinsic evidence that the respondent bore a grudge against the offended party, or that there was rivalry or ill-feeling between them which existed at the date of the publication of the defamatory imputation or that the respondent had an intention to injure the reputation of the offended party as shown by the words used and the circumstances attending to the publication of the defamatory imputations," dagdag ng piskal. Sa nakaraang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chokoleit at lumabas sa
website ng PEP noong Agosto 30, 2010, sinabi nito na "napuno" na siya kaya nag-Tweet siya ng mga ganoon tungkol sa batikang entertainment columnist. Pero alam daw niya ang kanyang ginagawa at nakahanda siya sa anumang mangyayari. Sabi niya, "Kasi, hindi naman ako tanga, hindi naman ako bobo. I'm very responsible, I know the repercussions. Kumbaga, e, bago ko ipinost yun, pinag-isipan ko namang mabuti, ano? Not just for anything else na basta galit nang galit lang. "Kasi for the longest time, nanahimik naman ako. Pero I think, human nature na pag nabuwisit na, 'E, sandali muna,' konting pitik, konting ano... Yeah, it's more territory, sabi nga ng trabaho. Pero kung sumosobra ka na sa teritoryo ko, teka muna, umaalma rin ako nang konti." Ang pinagsimulan ng kanilang gusot ay dahil diumano sa pagtirang ginagawa ni Cristy sa kaibigan ni Chokoleit na si Pokwang, at maging sa kanya. Tila ba napuno na siya? "Yes, pero hindi lang naman dahil kay Pokwang iyon, e," paglilinaw ni Chokoleit. "Aside from that, masakit 'yon dahil friend ko 'yon. Ako rin naman, e, napipitik din ako. Kahit pa sabihing blind item 'yon, tatanungin mo: 'O sige nga, kung blind item 'yan, pangalanan mo nga?' â
FRJ, GMA News