ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga lasing hiniling na huwag lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno
MANILA â Pinayuhan ang mga deboto ng Itim na Nazareno na ihanda ang kalooban sa paglahok sa mga aktibidad sa darating na kapistahan sa Enero 9. Gayunman, hindi umano dapat sumama ang mga lasing sa napakahalagang okasyon sa mga Kristiyano. âNakikiusap po tayo sa mga deboto na paghandaan natin ang pakikilahok sa prusisyon, ihanda ang ating kalooban magdasal tayo, magsimba. Huwag tayong pupunta na hindi tayo handa," ayon kay Monsignor Jose Clemente Ignacio sa parish priest sa Quiapo church. âHuwag pupunta na nakainom tayo kundi linisin natin ang ating sarili upang makilahok tayo sa napakahalagang okasyon ng paglalakbay sa piling ng Poong Hesus Nazareno," idinagdag niya sa panayam ng Radio Veritas nitong Martes. Pinayuhan din ni Fr Ignacio ang mga babae, nakatatanda at mga bata na hayaan na lamang ang mga may malakas na pangangatawan ang makipagsiksikan sa prusisyon upang maiwasan ang disgrasya. Noong Enero 2010, dalawang deboto ang nasawi sa tradisyunal na prusisyon ng Itim na Nazareno. Marami ang naiipit sa paghatak sa lubid na nakatali sa karuwaheng sinasakyan ng imahe ng Nazareno. Nais din nila na makalapit sa imahen para makahalik o maipahid ang dala nilang panyo o tuwalya. Naniniwala ang mga deboto sa himala at suwerte na maaaring ibigay sa kanila kapag nakalapit at nakahawak sa imahen ng Nazareno. (Basahin: Mga impormasyon tungkol sa Black Nazarene) Ayon kay Fr Ignacio, ang mga nais humalik sa imahe ay maaaring magtungo sa Luneta kung saan gagawin ang âpahalik" bago ang prusisyon. Mayroon ding âpahalik" kapag nadala na sa simbahan ng Quiapo ang Nazareno. Ang âpahalik" sa Luneta ay sinasabing magsisimula sa Enero 8, dakong 1: 00 pm at mayroong ding band parade pasapit ng 3:30 p.m. Isang healing mass din ang pamamahalaan ni Fr Benny de Guzman, at overnight vigil. Magkakaroon din ng misa sa Enero 9 (6:00 am) na pangungunahan naman ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales, at dadaluhan ng mga pari sa Metro Manila. Pagsapit ng 8:00 am ay inaasahang uusad na ang prusisyon ng Itim na Nazareno patungo sa Quiapo church. Mayroon ding prusisyon ng mga replika ng Itim na Nazareno sa Enero 7 dakong 2:00 pm na pupuwesto sa Quezon Blvd, dagdag ni Fr Ignacio. Ang tema umano ng âtranslacion" sa kapistahan ng Quiapo ngayong taon ay tinawag na, âYapak ng Mahal na Poong Hesus Nazareno, Yakap ng Sambayanang Pilipino Tungo sa Pagbabago," âNgayong bagong taon at mga pangyayari sa ating bansa na mayroong pagbabago; pagbabago sa gobyerno, sa nangyayari sa sa ekonomiya, lahat ng ito ay nangangailangan na sumusunod sa yapak ng ating Panginoon. Sapagkat napakarami na ang humihiling ng pagbabago at ang tunay na pagbabago ay matatamo lamang sa pagsunod natin sa Panginoon," paliwanag niya. - GMANews.TV
Tags: blacknazarene, itimnanazareno
More Videos
Most Popular