Filtered By: Topstories
News
Sino si Ongpin ng Binondo?
Kapag nabanggit ang lugar na Binondo sa Maynila, kaagad na kakabit dito ang kalye na âOngpin." Pero kilala niyo ba kung sino si Ongpin at ano ang kanyang mga nagawa na nagpamalas ng kanyang matinding pagmamahal sa bayang Pilipinas? Isinilang si Roman Ongpin sa Binondo noong Pebrero 1847, mula sa kanyang mga magulang na sina Simon Ongpin at Sinforosa Tanbensiang. Kabilang ang kanyang ama sa maraming Tsino na lumipat at nagnegosyo sa Pilipinas. Sa murang edad, natuto kaagad si Roman sa pagnenegosyo. Marso 1882 nang itayo ni Roman ang sarili niyang negosyo sa Rosario St na tinawag na âEl 82", na hango mula sa taong nabanggit. Ang kanyang tindahan ang nagsilbing lihim na umpukan ng mga rebolusyunaryo, at bagsakan ng impormasyon tungkol sa kilusan na lumaban sa mga Kastila. Bukod dito, nagkakaloob din si Roman ng tulong pinansiyal at pagkain sa kilusan hanggang sa matapos ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.. Nang sumiklab naman ang pakikidigma ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano, ipinagpatuloy ni Roman ang pagtulong sa mga rebolusyunaryo. Nalaman ng mga dayuhan ang ginagawa ni Ramon at ikinulong siya mula December 1900 hanggang March 1901. Kahit nakalaya, hindi nagbago ang paninindigan ni Ongpin laban sa pananakop ng US. Hindi niya ipinagbibili ang kanyang mga produkto sa mga Amerikano, at tinuruan ang mga anak na matututong tumayo sa kanilang mga paa nang hindi humihingi ng tulong sa mga dayuhan. Bukod sa pagiging makabayan, kilala rin sa kanyang mga kawanggawa si Roman tulad ng pagsuporta sa mga organisasyon na tumutulong din sa mga nangangailangan. Ilang posisyon ang kanyang hinawakan katulad ng pagiging Teniente 1 de Mestizos, presidente ng institusyon para sa mga beterano na Pascual Pobleteâs Casa Asilo de Invalidos Filipinos de Guerra, at naging ingat-yaman ng Isabelo de los Reyesâ Union Obrera de Filipinas. Iginagalang din siyang miyembro ng Philippine Chamber of Commerce. Dahil sa sakit sa puso, pumanaw si Roman noong Dec 1912. Bago mamamatay, hiniling niya sa kanyang pamilya na barong tagalog ang isuot sa kanyang mga labi. Tatlong taon matapos siyang pumanaw, ipinangalan kay Roman ang isang kalye sa Binondo na kilala na ngayong bilang âOngpin, Binondo." Isang monumento rin ang itinayo para kay Roman na makikita sa Plaza de Binondo. â Fidel R Jimenez, GMANews.TV
Tags: pinoytrivia, binondo
More Videos
Most Popular