Si Wao, Lanao del Sur ex-Vice Mayor Jeremy Guiab (kaliwa) matapos siyang mahulihan ng 13 marijuana sticks sa NAIA nitong Miyerkules. GMANews.TV
MANILA â Isang dating vice mayor sa lalawigan ng Lanao del Sur ang dinakip matapos makuha sa kanya ang ilang stick ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Ninoy Aquino International Airport nitong Miyerkules. Ayon sa mga awtoridad, pasakay na sana sa NAIA Terminal 2 dakong 4 a.m. si ex-vice mayor Jeremy Guiab (konsehal na ngayon) ng bayan ng Wao, nang makuha umano sa bulsa niya ang ilang stick ng marijuana na nasa loob ng isang pakete ng sigarilyo. Sinabi ni Senior Superintendent Agrimero Cruz Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), 13 stick ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakita sa pekete ng sigarilyo na nakapkap sa kanang bulsa ng pantalon ng dating bise alkalde. Bagaman inamin umano ni Guiab na gumagamit siya ng marijuana, hindi naman daw nito intensiyon na dalhin sa airport ang marijuana. Labing-limang taon na umanong gumagamit ng marijuana ang dating bise alkalde para sa sakit nito sa balat na âpsoriasis." Ang psoriasis ay isang uri ng sakit sa balat na dulot ng mabilis na paglago ng skin cell. Sa kabila ng paliwanag ni Guiab, nagsampa pa rin ang mga awtoridad sa piskalya ng Pasay City ng kasong illegal possession ng marijuana laban sa dating bise alkalde. â
GMANews.TV