Unang pangalan ng Batangas
Bago nakilala bilang Batangas, alam nâyo ba kung ano ang dating pangalan ng lalawigang ito sa katimugang bahagi ng Luzon na hango sa sinaunang sining sa Pilipinas? Kabilang ang Batangas sa walong lalawigan na unang nag-aklas laban sa mga Kastila. Bukod sa pagiging tanyag sa paglikha ng balisong, dito rin nagmula ang ilan sa mga kilalang bayani katulad nina Apolinario Mabini, na itinuturing âUtak ng Rebolusyon;" at General Miguel Malvar , ang heneral na huling sumuko sa puwersa ng mga mananakop na Amerikano. Pinapaniwalaan na kabilang ang Batangas sa mga unang lalawigan sa Luzon na naorganisa noong 1534. Ang bayan ng Balayan ang unang naging kabisera ng lalawigan bago nailipat sa Taal noong 1732. Ngayon, ang Batangas City na naiproklama bilang ganap na lungsod noong Hulyo 1969 ang nagsisilbing kabisera ng lalawigan. Sinabing ang pangalang "Batangas" ay nagmula sa salitang "batang," na pagtukoy noon sa mga troso na nakikita sa mga ilog at maging sa lawa ng Taal. Sinasabing ang Taal ang isa sa mga naunang lugar sa lalawigan na naging progresibo. Ngunit bago naging Batangas, naunang nakilala ang lalawigan sa tawag na âLa Provincia del Cumintang," dahil naging sentro ito ng âkumintang," ang uri ng sining tungkol sa awit at sayaw. â Fidel Jimenez, GMANews.TV