'Pagbinyag' sa bagyo
Kilala nyo ba kung sino sina Uring, Rosing, Ruping, Sening, Loleng, Sisang, Miding at Didang? Ilan lang sila sa pangalan na inaabangan noon sa Pilipinas kapag panahon ng tag-ulan. Sinasabing noong 1960s sinimulang gamitin ng Weather Bureau ng Pilipinas (ngayon ay mas kilala sa tawag na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ) ang mga pangalan ng babae mula letrang âA" hanggang âY" at magtatapos sa âng" bilang pangalan ng mga bagyo na dadaan sa teritoryo ng bansa. Dahil sa paggamit ng pangalan ng babae sa bagyo, naging usapin dito ang gender bias. Naging biru-biruan din na pabago-bago kasi ang lagay ng panahon katulad ng pag-iisip ng babae kaya pangalan ng babae ang ginagamit sa pagtukoy sa bagyo. Noong 1990âs nang nagpakontes ang Pagasa upang hingan ng suwestyon ang publiko ng kahit anong pangalan na pwedeng ibinyag sa bagyo. At sa libu-libong pangalan na inirekomenda, 140 pangalan ng bagyo ang nakuha kung saan kabilang na ang pangalan ng lalaki. Ngunit dahil tinatayang 20 bagyo lamang ang dumadaan sa Pilipinas bawat taon, hinati ito sa apat na grupo at salit-salitang ginagamit tuwing ika-apat na taon. Sa isang taon, 35 pangalan ng bagyo ang nakalista sa Pagasa kung saan 10 sa mga pangalan ay nagsisilbing reserba lamang sakaling humigit sa 25 ang bagyo na dumaan sa Pilipinas. - GMANews.TV