Filtered By: Topstories
News

Transcript: Round 1 of PiliPinas Debates 2016


The five people aspiring to become the president of the Philippines shared the stage for the very first time last Sunday in the Mindanao leg of the PiliPinas Debates 2016. Below is the transcript of the first round, where the candidates were grilled about their track record, performance, and issues facing them.

Vice President Jejomar Binay and Senator Miriam Defensor Santiago

Mike Enriquez: Sa panayam sa dzBB, ipinaliwanag ninyo na karamihan sa mga inyong real estate na pagmamay-ari ay minana ninyo sa inyong ina at sa magulang. Pero sa inyong SALN, dalawa lang sa inyong 13 real estate properties ay inilista ninyo bilang inheritance o mana. Paglilinaw ng inyong kampo, Mr. Vice President, maaaring land area ang pinagbasehan ninyo sa inyong sagot at hindi po ang bilang. Pero ang hindi po nasasagot, kung hindi po minana, saan po nanggaling ang iba pong 11 ninyong ari-arian at paano po lumago ang inyong yaman sa loob ng tatlong dekada bilang opisyal ng gobyerno?

Binay: Alam mo, Mike. Tatlong dekada. Ang haba ng panahon na iyan. Pero hindi ko natatandanaan na sinabi ko na ang aking mga lupa ay puros mana.

Iyong iba naman doon ay nabili namin at may kakayanan naman kaming bumili hindi naman porke't kami ay nasa pamahalaan, wala na kaming magagawa para makabili ng pag-aari.

Hindi po totoo na ako ho ay maraming lupa. Ito ay either namana ko or nabili ko at hindi lang sa nanay ko, pati ho sa tatay ko.

Enriquez: Bilang opisyal ng gobyerno na mahaba ring nanungkulan, Madame Senator, sa tingin ninyo ba ay matter of public interest ang yaman at ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno?

Santiago: That's no longer a matter for debate because it has already been embodied in a law. It's no longer a bill. It's a law. so sa gusto namin o sa ayaw, kailangan talaga iladlad namin ang lahat ng pag-aari namin.

Ngayon ang pagtatanong ko, ito ho bang mga pag-aari ni [vice president] nakuha niya nabili niya o bigay sa kanya bago siya naging opisyal sa Makati o naging opisyal na siya?

Enriquez: Mr. Vice President, gusto niyo pong sagutin ang tanong ni Senadora?

Binay: Miriam, iyong iba ay namana ko. Pasensya ka na kung Miriam ang tawag ko. Magkaibigan naman tayo at magkasama kami sa student council. Iyong iba ay namana ko, namana ko na yun bago pa ako nalagay sa pwesto. Ako ay nanungkulan 1986 at bago ako nanungkulan, nag-pratice ako ng law at ang misis ko ay nakapag-practice ng docktora so may pinanggalingan ang pera. Pero uulitin ko, iyong propridad na iyon ay namana ko bago, ako nanungkulan.

Senator Miriam Defensor Santiago and Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Jessica Soho: Kayo po ay nag-file ng qualified medical leave noong 2012 dahil sa chronic fatigue syndrome. At nagpatuloy ito nang kayo ay na-diagnose na kayo ay may Stage 4 lung cancer. Sa nakalipas na 16th Congress mula 2013 hanggang 2016, wala pa hong sampung beses kayong nakadalo sa mga plenary session. Kung sa Senado ay naging mahirap na para sa inyo ang makapasok sa trabaho, bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho na pagiging pangulo ng bansa? Ano po ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna ng inyong karamdaman?

Santiago: Hindi mo ba alam na ang sakit tumataas o bumababa o nawawala? Magtatanong ka bakit may sakit ka bakit tumatakbo ka. E direksyon ko yan, karapatan ko yan under our Constitution. Wala naman constitutional provision na if you get sick of something you are disqualified. Ano pa yung iba niyang gustong malaman?

Soho: Ang sabi po ay iilang beses lang daw po kayong nakadalo sa plenary session.

Santiago: I was at the height of Cancer Stage 4. Stage 4 is the last stage! Nag-aantay ako mamatay, e hindi ako pinatay ng guardian angel ko e.

Soho: Paano raw po iyan, eh mas mabigat daw pong trabaho ang pagiging pangulo ng ating bansa?

Santiago: Mabigat na mabigat pero kung tutuusin mo, ang senador halos kapantay lang o sobra pa ang trabaho, kung ginagawa niya ng tama ang kaniyang trabaho, kesa sa trabaho ng presidente kasi kung minsan nilalabanan niya ang lahat ng senador laban sa kaniya. Hindi kagaya ng presidente na lahat ng nasa paligid niya ay nag ha-hallelujah sa kanya.

Soho: Mayor Duterte, ano po ang masasabi ninyo sa pahayag ng Senadora?

Duterte: I will not go into an argument or debate with Ma'am Miriam. She is telling you the truth and truth is very important. I do not see Senator Santiago passing away within the next 20 years. So what's the problem?

Soho: Senadora, you have a chance to answer.

Santiago: My only purpose is to serve out the rest of my life. I'm already 70 years old plus six-year term as a president, I would have served the country until I'm 76. I do not want to spend the next six years lying in bed feeling sorry for myself. In fact I did not lie in bed, I did not feel sorry for myself. I felt sorry for my country. Because graft and corruption is endemic and everybody speaks out but no one has done very much except Mayor Rudy Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte and Senator Grace Poe

Enriquez: Sa inyong talumpati noong Nobyembre, 22 beses po kayo nagmura, Mayor. Minsan n’yo na ring inaming naharap kayo sa kasong acts of lasciviousness. Sa makatuwid, noong na-interview po kayo, sinabi n’yo rin kayo po ay palamura, kayo po ay babaero, kayo ay nakapatay na ng kriminal. Sa inyo po bang palagay, Mayor, dapat po ba kayong tularan ng mga Pilipino? At ito ba sa tingin ninyo ang kaugalian ng isang mamumuno po ng Pilipinas. Mayor, meron po kayong 90 seconds, sir.

Duterte: Yes, most of it are true. Most of it are true. Criminals, well I go after them as long as I do it in accordance with the rules of law, I will continue to kill criminals. And if president, I will order the killing, as long as it is, I said, exercised in performance of duty in accordance with law. I will use the military and the police to go after criminality and drugs. It’s flooding the country. Hindi ako papayag ng ganoon. Totoo iyon. I do not deny anything.

Enriquez: Sa pangalawang bahagi po ng tanong, sa palagay n’yo ba dapat kayong tuluran ng mga kabataang Pilipino?

Duterte: Extrajudicial killing? Of course not. Never happened. But killings? Yes. If I become president, it would be bloody because I will order the killing of all criminals, ang mga durogista, at drug lords.

Enriquez: 'Yung iyong kaso po ng acts of lasciviousness po sa mga kababaihan, Mayor?

Duterte: Wala akong kasong ganoon. I do not know who invented it. But I said, meron lang akong inakbayan noon. Ang nanay ko ang nagalit.

Enriquez: Sabi n’yo, Mayor, may mga girlfriend kayo.

Duterte: Totoo.

Enriquez: Dapat bang tularan iyan ng mga kabataan?

Duterte: Kasi kung hiwalay ka sa asawa mo, anong gagawin mo sa sarili mo? Anong gagawin ko itong karga-karga ko? Hindi ko naman ito maipagbili ito, ni hindi mo masangla eh. Gamitin mo dapat eh 'di mamatay ka.

Enriquez: Malinaw. Salamat po, Mayor. Senadora Grace Poe, bilang isang babae at kandidato sa pagka-presidente, dalawa lang po kayo ni Senadora Miriam, ano po ang pananaw ninyo sa ganiyang istilo na iyan ni Mayor Duterte?

Poe: Alam n’yo, si Mayor  Duterte, malakas ang appeal, irresistable sa ibang babae. Subalit, matagal din nating ipinaglaban, at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kaniyang nanay, kaya kahit na papaano na, sa tinging ko, kung ikaw ay malakas sa mga babae, kaunting pigil sapagkat malay mo, siyempre, ang lumalapit sa iyo, may asawa o kaya may boyfriend o kung ano pa man. Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda. At least alam natin si Mayor Duterte minsan dati sinasabi naman niya iyong mga hindi niya nararapat na nagawa noon. Pero pareho lang naman kami. Tao rin, nagkakamali. Pero isusulong ko  palagi ang pagrespeto ano man ang iyong kasarian, babae ka man, lalaki, LGBT. Lahat po tayo ay mayroon kaunting paggalang sa isa’t isa.

Enriquez: Salamat po sa inyo, Senador. Mayor Duterte, mayroon po kayong 30 seconds para huwag magpigil. O sige po.

Duterte: Lahat naman ito sa kwarto iyan. Hindi mo naman ginagawa sa ano. So what’s the problem? You don’t flaunt it in public, if you have to do it. I said I am separated from my wife. At iyong isang asawa ko nasa Amerika, iyong nurse. So, far and wide, in between those years, it’s biology. Actually, it is biology.

Enriquez: Salamat po. Salamat po, Mayor.

Senator Grace Poe and former Interior Secretary Mar Roxas

Soho: Senadora Poe, narito po ang inyong tanong. Sa lahat ng mga kandidato sa entablado ngayon, kayo po ang may pinakamanipis na resume pagdating sa government service. Dalawang taon bilang MTRCB chairperson at nangangalahati pa lang po kayo sa inyong termino bilang senador. Sa tingin n’yo ba ay may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo publiko para maging pangulo ng ating republika?

Poe: Jessica, alam mo, talagang hindi ko pinagkakaila, sa lahat sa kanila, ako ang pinakabago rito. Pero sa ating mga kabataan, alam kong alam ninyo ang kanta ng Gloc 9. "Kayong nakaupo, subukan n’yo namang tumayo para maramdaman ninyo ang aming kalagayan, ang kinalalagyan ko". Sa tingin ko, sa lahat sa kanila, ako nga ang pinakamaikli ang karanasan pero nakikita ko bilang isang nanay kung ano ang pangangailangan ng isang pamilya.

Sa aking maikling karanasan sa gobyerno, ako po ay nakapag-hawak ng executive position na may management requirement. At mismo na din si Senator Miriam ang nagsabi, na ang Senado ay pwede talagang mas mahirap pa ang trabaho kung talagang ginagawa mo ang iyong trabaho. Ako po ay nabigyan ng prebilihiyo na maka-debate si Senator Miriam kaya nga napasa namin sa Senado ang Freedom of Information.

Yung mga batas o yung mga budget na aming itulak, pagkain para sa mga bata, para sa mga magsasaka, at higit sa lahat pag-iimbestiga na walang kinikilingan. Kaibigan man o kaaway. So, para sa akin, ang aking karanasan bilang isang teacher bagamat minamaliit ng iba, hindi po tayo makakarating sa puntong ito kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at nagturo sa atin kung ano ang tama at mali at kung anong naaayon para sa ating mga paksa. Kaya po sa ating mga kababayan, pare-pareho lang naman ang problema ng Pilipinas e, pare-pareho nandiyan. Wala pong proof na kapag matagal ka na sa pwesto mas magaling ka.

Soho: Secretary Roxas, ano po ang reaskyon ninyo sa sinabi ni Senator Poe? It should be recalled that you once asked her to be your running mate or your vice presidential candidate.

Roxas: Tama  ka diyan Jessica, inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil nga sa pagkilala na tulad ng sinabi ninyo ay manipis yung kaniyang karanasan sa pamumuno. At siguro ipagpaumanhin ng aking kaibigan na si Senadora Grace Poe na ang pagiging Pangulo ay hindi OJT. Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng isandaang milyong Pilipino ang nakasalalay dito kaya may tamang panahon para sa lahat. At para sa akin, yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian para sa pagiging Pangulo.

Papaano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Papaano mo pipiliin kung ano ang rekomendasyon ng dalawang magkaibang rekomendasyon ng mga Cabinet secretary ang iyong pagdedesisyunan, ito yung mga malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na Pangulo at mahalaga yung tamang karanasan, malinis na karanasan para dyan.

Soho: Senadora Poe, ang inyo pong counter-rebuttal?

Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi, kahit na maikli ang aking panunungkulan sa gobyerno. Unang-una, tama si Secretary Mar, nakatatlong administrasyon na siya diyan, nabigyan na ng ilang mga responsibilidad sa gobyerno. Pasensiya na rin po pero marami rin akong inimbestigahan katulad ng DILG at doon sa DOTC sa MRT, at sa tingin ko naman hindi mo kailangan ng napakahabang karanasan para malaman na kulang ang tulong ng gobyerno sa transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng gobyerno para magkaroon tayo ng katatagan.

Soho: Maraming salamat po Senadora Poe.

Former Interior Secretary Mar Roxas and Vice President Jejomar Binay

Enriquez: Sa inyong mga panayam, ipinagmamalaki ninyo ang mga nagawa ng Daang Matuwid katulad ng mga pagpapatayo ng silid aralan o mga classrooms, ang mga program ang DepEd, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na pinamumunuan ng DSWD pero sa inyo namang panunungkulan bilang secretary ng DOTC at DILG, iniuugnay at nangyari daw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT at sa mga umano'y mabagal na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nung tumama ang super bagyong Yolanda. Base sa inyong track record sa DOTC at DILG, paano po ninyo papatunayan na kayo ay may kakayahan na maging isang epektibong presidente ng Pilipinas?

Roxas: Simulan natin sa DOTC. Noong ako po ay nasa DOTC, mahigit isang daang kontrata sa halagang humigit-kumulang P100 bilyon ang napa-bid namin na walang anomalya, walang alingawngaw, walang kontrobersiya. 'Yan nangyari lahat yan: ports, airports at iba pang imprastruktura na nangyayari at ginawa hanggang sa ngayon.

Pangalawa, sa MRT, bakit ko tinanggihan ang proposal ng pribadong sektor na magpatuloy ang kanilang kontrata sa MRT? Dahil gusto nilang pahabain ito ng 15 dagdag na taon itong maanomalyang kontrata na ngayon ang sanhi ng problema natin. Plus dadagdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero kaya tinanggihan ko yan. Diyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong paraan para magakaroon tayo ng mga tren. Ang mga tren ay nandiyan na, parating na at ngayon, sa susunod na buwan ay mapapakinabangan na ng ating mga kababayan.

Pagdating namin sa DILG, ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang buong gobyerno ay nandoon. Nandoon ako bago, habang at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako bumitaw hangga't nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako katulad ng iba na dumating at nag-helicopter, nagturista, umalis at marami na ngayong sinasabi.

Enriquez: Babalikan natin si Vice President Binay. Sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Secretary? Matagal kayong miyembro ng Gabinete eh, kasama niyo siya.

Binay: Alam po ninyo, hindi ho mangyayari 'yan kung ako ang napalagay sa pwesto ni Secretary Roxas, yung bang 'analysis paralysis.' Ako ho is a decisive and effective leader, hindi ako paulit-ulit, walang dinedesisyunan eh yung PPP, iisa pa lang or dadalawa pa lang. Eh kailangang-kailangan ho natin yung PPP na 'yun para magkaroon tayo ng pagbabago sa infrastrucute needs.

Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Secretary Roxas doon sa pagkaka-helicopter. Aba eh yung helicopter, marami akong nakita. Siya eh nasaan ho siya? Pagkatapos lumindol at mangyari noong lahat yun sa Leyte, nawala na ho siya kaya naman grabe ang galit sa kanya ng mga taga-Leyte dahil sa kapalpakan niya sa paghawak sa problema ng Yolanda.

Enriquez: Secretary Roxas, mayroon po kayong 30 seconds.

Roxas: Nandoon ho ako ng 16 araw. Hindi ko binatawa, hindi ko kinalimutan, at hindi ko phinoto-op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandoon ako simula – bago pa dumating ang Yolanda. Ginawa ko ang lahat. Matitingnan kita, Mike, at kahit sino sa ating bansa, mata sa mata, at sabihin lahat ng maaring magawa sa kapanahunang 'yun ay nagawa.

Transcript: Round 2 of Pilipinas Debates 2016

Transcript: Round  of Pilipinas Debates 2016