Mahigit 10,000 estudyante at guro, humataw sa Lucena City
Sabay-sabay na humataw ang mahigit 10,000 estudyante at mga guro ng Quezon National High School sa (QNHS) Lucena City ngayong umaga nitong Huwebes para sa kanilang wellness exercise.
Bahagi ang dance exercise ng programa ng Department of Education para sa kalusugan ng mga estudyante at mga guro.
Matagumpay na naisagawa ng QNHS ang sabay sabay na dance exercise sa Alcala Sports Complex. Mahirap raw kasi i-organize ang mahigit 10,000 na mga mag-aaral na mayroong mahigit 200 na guro.
Todo hataw ang mga estudyante at mga guro sa pagsasayaw. Lahat at nag enjoy sa pagsasayaw.
Bumuo rin ang mga estudyante ng human formation ng pangalan ng kanilang paaralan.
Ang Quezon National High School sa Quezon ay isa sa mga mahuhusay na paaralan sa Calabarzon region.
Maraming nagtapos dito ang may magandang buhay na ngayon sa kanilang larangan. —LBG, GAM News