Filtered By: Topstories
News

Leni Robredo: Amid questions, we need to listen to people's voice


Vice President Leni Robredo on early Tuesday called on her supporters to listen to the voice of the Filipino people, which she said was becoming clearer.

Still, Robredo adverted to questions as regards the conduct of the elections.

Robredo made the statement as former Senator Ferdinand Marcos Jr. led the presidential elections with 29,319,865 votes as of 2:32 a.m. 

The Vice President had 13,986,496. 

"Bagaman may mga hindi pa nabibilang, bagaman  may mga tanong pa sa eleksyon na ito na kailangan matugunan, palinaw na nang palinaw ang tinig ng taong bayan," Robredo said.

"Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal din ninyo, kailangan nating pakinggan ang tinig na ito. Dahil sa huli iisa lang ang bayan na pinasasaluhan natin," she added. 

Marcos' running mate Davao City Mayor Sara Duterte also led vice presidential candidates with 29,554,604 votes. Robredo's running mate Senator Francis Pangilinan had 8,724,776. 

Robredo thanked her supporters, many of whom were volunteers.

"Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim pagmamahal na ito. Maraming maraming salamat sa inyo. Alam kong mahirap tanggapin ang mga numerong lumalabas sa quick count," Robredo said.

"Hindi lang panghihinayang kungdi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay. Mulat din ako. Ang pagkadismayang ito maaring laloong kumulo," she added.

"Maaaring dahil may mga naiulat na irregularities sa halalang ito. Hanggang ngayon, meron pang mga taong hindi pa nabibilang ang boto. Meron sa inyong buong araw na nasa presinto at nanatili du'n hanggang ngayon, hinihintay na maipasok ang mga balota sa mga makina," Robredo said.

"Kaisa ninyo ako sa paniniwala na dapat isalamin ng halalang ang buo at wastong tinig ng taong bayan," she added.

Continue fight

Robredo vowed to continue what she had started to improve the lives of the Filipino people.

“Wala akong planong abandonahin ang mga bagay na habambuhay ko nang ipinaglalaban. Tuloy ang trabaho para iangat ang buhay ng mga nasa laylayan. Tinatawag kong samahan ako dito at sa iba pang mga laban," Robredo said.

She urged her supporters to participate not only in the elections but to advance justice, rights, and dignity of the Filipinos.

“Huwag kayong bibitaw. Panatilihing aktibo ang mga komunidad. Patuloy na tumindig. Igiit ang mga katotohanan,” Robredo said.

“Matagal binuo ang mga istruktura ng kasinungalingan may panahon at pagkakataon tayong labanan ang baklasin ito,” she added.

Robredo asked her supporters to unite and to lift everyone’s lives for the betterment of the country.

“Magpatuloy tayong magmahal. Maaaring hindi ngayon, maaaring hindi bukas o sa makalawa, o sa susunod na taon pero may liwanag pa rin nagaabang basta handa tayong magsikap na abutin ito,” Robredo said.

“Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno. Sumusunod lang ako. Huwag mapagod. Bukas at magpakailanman magkakasama ang lahat ng Pilipino,” she added.

Robredo said nothing was wasted in the campaign waged by her supporters. 

"Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay ng mga presinto; may kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan," Robredo said.

"Ang namulat, di na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang nagising,"she added.

Kiko: Hindi pa tapos

Robredo's running mate, incumbent Senator Francis "Kiko" Pangilinan, said he is one with the vice president in saying there are questions that beg to be answered regarding Monday's elections.

"Nakikiisa tayo sa pahayag ni Vice President Leni. Hindi pa tapos ang bilangan. Sa ilang mga presinto, hindi pa tapos ang botohan. May mga tanong tungkol sa proseso na hindi pa nasasagot," Pangilinan said in a statement.

 

 

"Hindi pa tapos ang ating gawain. Bukas, paggising natin at sa susunod na mga umaga, mahirap pa rin ang ating mga magsasaka at mangingisda," he added.

"Hindi pa rin makakapangisda sa sarili nating karagatan ang ating mga mandaragat. Ipagtatabuyan pa rin ng China," the senator said.

Pangilinan also mentioned other issues that need to be addressed.

"Hindi pa rin maibabalik ang ninakaw ng Pharmally. Patuloy pa rin ang smuggling ng gulay. Mataas pa rin ang presyo ng pagkain. Marami pa rin ang gutom. Hindi pa tapos ang laban," he said.

Pangilinan then hailed the volunteerism that was shown during the campaign.

"At dala nating sandata sa laban bukas: ang walang katulad na ginising nating kilusan. Ang kilusan ng bolunterismo, ng bayanihan, ng pakikipagkapwa, ipagpatuloy natin," he said.

"Ipagpatuloy natin ang mga naumpisahan para iangat ang buhay at kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda, at ng lahat ng nasa laylayan – kahanay man o hindi," Pangilinan added.

He then called on supporters to continue extending radical love to others.

"Ngayon at sa mga susunod na bukas, mas kakailanganin natin ang ginising nating radikal na pagmamahal para sa kapwa Pilipino. Malaki at masayang apoy ng pagmamahal ang pag-uumpisahan natin," he said.

"Sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, nakapagtanim tayo ng malulusog na binhi ng pag-asa. Kailangan nating alagaan. Tuloy nating ipaglaban ang mahal natin. Samahan ninyo ako. Samahan ninyo kami ni VP Leni," Pangilinan said.

"Magwawagi rin ang katotohanan. Magwawagi rin tayo. Aani rin tayo. Hindi natutulog ang Diyos. Manalig tayo na sa huli, pagmamahal ang magtatagumpay," he added.  —Mel Matthew Doctor/NB/KG, GMA News