Filtered By: Topstories
News

Karel Marquez on wedding with Sean Fariñas: This is my first marriage


Nilinaw ng aktres na si Karel Marquez na hindi pa siya nagkakaroon ng asawa bago ang naganap na kasal nila ni Sean Fariñas nitong nakaraang Huwebes, December 1.

Maraming komento raw ang natatanggap ng bagong kasal tungkol kay Keiley at Kyler, ang dalawang anak ng aktres sa kaniyang dating kasintahan.

Ayon kay Karel sa isang Facebook post, “This is my first marriage. Despite all the conjectures, I kept quiet and avoided the limelight and uncessesary issues. People would stereotype that maybe just because they know I have two beautiful children, I may have gotten married.”

“I was never married yet even via church or civilly my whole life. Yes, I have two kids from my ex. Ex boyfriend, that is,” dagdag pa niya.

 

 

Mensahe ni Karel sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kaniya at sa kaniyang pamilya, “To the gossipers, naysayers, negative thinkers, and plain bored, it's okay! Pero nakakatanda 'yan, ha. Sayang ang beauty niyo, 'day. Hehe!”

Naganap ang kasal nina Sean at Karel nitong Huwebes, December 1, sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City.

Maliban sa kanilang pamilya at mga kaibigan, kabilang rin sa mga nakasama ng bagong kasal sa pagdiriwang sina Carla Abellana, Yasmien Kurdi, Tim Yap, Sam Pinto, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at marami pang iba. —NB, GMA News

Tags: karelmarquez