Filtered By: Topstories
News

TRANSCRIPT: Resigned PNP chief Alan Purisima’s interview on GMA News’ "24 Oras"




Resigned PNP chief Director-General Alan Purisima reads his statement
 
I thank our President, His Excellency, Benigno S. Aquino III, for the trust and confidence in allowing me to serve as chief of your Philippine National Police for over two years.
 
It has been an honor and privilege to serve our great Republic as a law enforcement officer for over three decades.
 
Now that our President has made his decision, the Philippine National Police can now continue to focus on its mandate and mission to serve and protect the Filipino people.

As I have made it my life's vocation to uphold and enforce the rule of law against those accused of any wrongdoing, however their actions may be perceived, I trust that the reforms I have initiated will continue to make a lasting impact in improving the character of our national police force.

My service to our nation shall continue as I vow to maintain a deep and a binding interest in ensuring that our reform initiatives bear fruit. Magandang gabi po sa inyong lahat.

Question and answer

Mike Enriquez: Ang pagbitiw ba ninyo ay kusa o may mga kumausap o nakausap kayo sa pagbibitiw?

Alan Purisima: Ito ay kusa kong ginawa Mike at ito ay sarili kong desisyon. Ito po ay desisyon na ginawa natin
 
Enriquez: Ano ang dahilan sa sulat kung bakit kayo nagbitiw sa pwesto?

Purisima: Kung ating kuwan, narito sa atin ang kopya ng ating sulat at maari kong basahin ang portion. Ito po ang aking sulat sa ating Pangulo, His Excellency, Benigno S. Aquino III:
 
The past few days have been very difficult for me, my family and friends. I can only surmise that things may have been even more difficult for you, Mr. President.
 
In this regard I am tendering my resignation as chief of the Philippine National Police, so His Excellency may have more room to act and move to address the situation which is affecting the whole nation.
 
While we had a successful mission against terrorism in Mamasapano in Maguindanao, this came at very high cost. Allow me to express my sympathies to the families, to my fellow SAF policemen.

Yes, I once was a SAF member and I know the sacrifice each and every member devotes to his job. To these, I salute to the brave and gallant 44 SAF personnel.

In closing Mr. President, I wish to express my gratitude for having given me the opportunity to serve our country and for standing by me in every critical situation.

Through the years of service as a Chief of PNP, let me assure you Mr. President that the Tuwid na Daan has been my guiding principle and inspiration. Maraming salamat po.

Enriquez: Anong petsa effective ang pagbibitiw sa sulat?

Purisima: Narinig natin ang pahayag ng ating Pangulo, Mike, na effective immediately ang ating resignation at kanyang natanggap.
 
Enriquez: Alam ng lahat tanong ito ng karamihan, anong papel ninyo sa Maguindanao encounter, totoo kayo nagmando ng mismong operation sa Mamasapano?

Purisima: Alam mo Mike itong usapin na ito, noong panahon na nag-operate ang mga tropa natin sa Maguindanao, ako po ay suspendido. Hindi po ako ang nagmamando doon. At gaya ng nabanggit ng ating SAF commander, na ako po ang nagbigay ng intelligence package, kaya nga po alam ko po paano yung nangyayari sa lugar, pero hindi po ako nagmamando dahil yun po ay papel ng ground commander.
 
Enriquez: Ano ang ibig sabihin ng intelligence package

Purisima: Ito po ang nagbigay ng inpormasyon kung nasaan, at kung saan naroon, maaring naroon ang ating target personality
 

Enriquez: Sinabihan nyo si Director Napeñas, na huwag ipapaalam ang operation kay OIC Espina hanggang wala sila sa lugar malapit sa paglusob sa target? Pakikumpirma?

Purisima: Alam mo Mike, ito ang mga sitwasyon na kasama sa plano nila at ang isa po sa mga gusto nila gawin ay makikita malalaman ng halos lahat pagka naroon na sila sa target

Enriquez: Malalaman nila pag naroon na sa target?

Purisima: Malalaman ng lahat kung sino po pag-coordinate-in sila sa target po
 
Enriquez: May info, paki-verify, kayo raw ni Pangulong Aquino sa Zamboanga noong araw na naganap ang bakbakan sa Maguindanao?

Purisima: Ako po noong Jan. 24, ako ay guest speaker sa installation ng General (Llanera?) Memorial Lodge 168 na ginanap po sa San Leonardo, Nueva Ecija po. Wala po ako sa Mindanao that time

Enriquez: Nasa Nueva Ecija kayo noon

Purisima: Opo.
 
Enriquez: Nabanggit ninyo sa pahayag, kahit tinanggap ang pagbibitiw ni Presidente, patuloy kayo kasama sa paglaban at pagbigay ng proteksyon sa taumbayan; ano ibig sabihin, may nakita kayo maging trabaho o career o advocacy ngayon di na kayo Chief PNP?

Purisima: Sa ngayon po Mike, ang gagawin natin aalagain na po natin ang ating mga apo, babalik tayo sa probinsya, at kung saan tayo ay magsasaka siguro o kaya mag-farming. At yan ang gagawin natin sa ngayon para gumanda-ganda ang nalalanghap nating hangin na presko sa ating mga probinsya.
 
Enriquez: Kailan kayo huling nag-usap ni Presidente?

Purisima: Hindi ko po matukoy ang exact date Mike. At hindi ko na matandaan kailan yan

Enriquez: Bago o matapos na ang bakbakan sa Maguindanao?

Purisima: Alam nyo po, itong mga tinatanong ninyo ay merong tinatawag na executive privilege. Kaya nga po hindi po natin binabanggit patungkol sa ating Pangulo.
 
Enriquez: Sisipot kayo sa Lunes sa Senado?

Purisima: Opo, pupunta po tayo para matulungan po na maisiwalat ang katotohanan po patungkol sa operation sa Mamasapano, Maguindanao.
 
Enriquez: Sabi Director Napeñas utos ninyo ilihim itong operation sa Mamasapano, pati sa liderato ng AFP at liderato ng PNP, bakit kailangan ilihim, ang isang issue ay coordination ng PNP at AFP?

Purisima: Meron po tayong historic reason kung bakit ganito ang naging desisyon ng ating SAF commander na time on target ang lahat po na coordination. At sila po ang nagplano nito. Hindi po natin inutos na ganoon ang gawin nila. Yan po ay naging rekomendasyon nila na gagawin po nila kasi sa tingin po nila yan ay magiging dahilan kung paano magiging matagumpay ang kanilang operasyon.
 
Enriquez: Meron pa kayong gustong idagdag na marinig sa inyo ng taumbayan?

Purisima: Gusto ko po magpasalamat sa ating mga kababayan na tumutulong sa ating pulisya para masugpo ang krimen. Maraming salamat sa inyong lahat.
 
Vicky Morales: Pag pinagsama-sama ang ulat, malaki ang naging papel ng US sa pagtugis kay Marwan, sila ba ang source ng intel packets?

Purisima: Yun pong information ninyo siguro is as good as mine. Kung minsan po ay medyo nagiging haka-haka lang ang karamihan nito. Kaya nga po hihilingin natin ang inpormasyon na ito kasi classified matters ito
 
Morales: Bakit natagpuan si Marwan sa Pilipinas?

Enriquez: Alalahanin natin Vicky na historically maraming napatay si Marwan sa Bali, Indonesia. At ito ay isang terorista na kailangan nang maiharap natin sa hustisya. At hindi po malayo posible rin na mangyari rito sa Pilipinas ang kanilang ginawa dahil nga po nakikita natin sa worldwide television ngayon na maraming karahasan ang nangyayari sa iba't ibang parte ng ating mundo.
 
Morales: Kasi may balita na Cebu at Manila ang susunod na target, can you confirm that?
A: Yung mga bagay po na yan ay classified po, Vicky. Siguro ang intelligence agencies natin magko-confirm sa atin niyan.