Filtered By: Topstories
News

2 bata sa QC, nawawala matapos daw maligo sa creek sa gitna ng ulan


Dalawang bata ang patuloy na hinahanap ng mga otoridad sa lungsod ng Quezon matapos maligo sa creek sa gitna ng malakas na ulan Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat ni Glen Juego sa dzBB Super Radyo, sinabi ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na tatlong magkakaibigan ang nagkaaayan maligo sa creek sa bahagi ng G. Araneta ngunit isa lamang sa kanila ang nakauwi.

Pinaghahanap pa rin ng mga CDRRMO ng lungsod ang mga nawawalang bata.

Pasado alas-3 ng hapon nang hindi maging passable sa light vehicles ang G. Araneta dahil sa taas ng baha.

Pasado alas-5 na nang humupa ito. —Sundy Locus/NB, GMA Integrated News

Tags: news, metro, Flood