AUGUST 29, 2019
Interviews: Jamil Santos | Photos and Videos: Mark Jesalva | Video Editing: Yvan Limson | Producer: Lou Albano | Design and Layout: Jannielyn Ann Bigtas
Bawal sa amin ang magsabing “We’re number one.” Bawal sa amin ‘yung pinupuri namin ang mga sarili namin. Through the years, dapat naka-apak ka sa lupa. Para nagwo-work ka’t nagsa-strive ko to reach that number. Kahit na nadu’n ka na, sa isip mo, umatras ka. You don’t say you’re number one. You say, “We’re shooting to be number one.” Stay humble.
You have to be humble, everyone in the show, every day [on the show] teaches me this. On my first day sa Eat Bulaga, I was 16 years old and I didn’t come from anywhere. Tito Joey came up to me and said, “Welcome to the show.” And that’s Joey de Leon, TVJ na yan, tapos iwe-welcome ka nang ganun? Puwede ngang one day lang ako tapos alis na but he welcomed me like that. Duon ko na-realize na these guys, iba. They are so grounded. That’s why they are still here.
You never shy away from competition. You never turn your back on them [because] it’s not really a competition. They make you better. It’s what makes you stronger as a group and as a family.
Huwag kang a-absent! Kasabihan sa TV ‘yan, “‘Wag kang tatalikod, kundi ikaw pag-uusapan.” Kahit saang lugar naman, kahit saang gubat, kahit saang network. ‘Wag kang tatalikod, or else ikaw ang magiging subject. Tapos pagbalik ng nag-absent, ang salubong sa kaniya, “Kilala mo pa ba kami?” Minsan, siya ang mauuna, “Hindi ko na kayo kilala!” Niyayari mo ang sarili mo.
Photo from Pia Guanio's Instagram (IG: piaguanio_mago)
Maraming bawal dito: bawal mag-walk out, bawal pikon. Bawal gumawa ng mali. Kailangan, alagaan mo ‘yung pangalan ng Eat Bulaga. Dapat mas pagandahin pa nga ang pangalan ng Eat Bulaga.
Basta po, enjoy lang. Kahit ano pong loko-lokohan, walang seryosohan. Bully daw po ako? Basta sa magandang paraan, ‘wag po ‘yung nakakasakit ng damdamin.
I think you have to be yourself. At pag pikon ka, mas lalo kang aasarin dito, ha ha! Pero after noon, wala na, good time lang talaga. Lahat kasi game, lahat kasi, may sari-sariling kakulitan. Sa Eat Bulaga, puwede mong ilabas yung kulit mo. So chill ka lang. Relax lang.
Dapat dito sa show, game ka lang. You’re game to do anything and you should be able to laugh at yourself and laugh at your mistakes and that is what I love dito sa show namin. Hindi mo kailangan seryosohin ang sarili mo.
Marami kaming bloopers! Lagi kaming nagkakamali, kaming mga hosts, sa mga spiels namin. Pero ang nakakatawa doon, napagtatawanan namin siya at nagagawa naming light ‘yung atmosphere, kahit nagkamali na kami.
Being corny is not bad. Ang origin ng salitang “corny,” ibig sabihin ang joke mo pang-farmer — “corn,” ‘di ba?— pang mababa. Pero ‘wag mamatahin ‘yon kasi noble ‘yon eh, to make someone laugh. Tumawa man siya o hindi sa joke mo, you tried. Kailangan, you support the person telling the joke. Magsuportahan kayo.
Ang nakakatawa dito, kapag nagbitaw ka ng joke, sasaluhin ka nila, at susundan pa. Hindi ka nila babarahin, hindi nila papatayin yung hirit mo. Yun yung nakakatuwa sa kanila; tutulungan ka talaga at hindi ka iiwan.
Importante ang give-and-take. Importante ang communication — between studio and sa labas, between hosts. Sa mga eksena, hindi ka puwedeng kumalas agad. Matututo ka makiramdaman, mag-give and take. Papakiramdaman mo sila — sina Bossing, sina Joey. Kung paano ka nila bibitbitin, kung paano ka nila dadalhin. Hindi sila magsasabi na ito ang kailangan mo gawin. Ibibigay nila sayo kung ano yung kaya mo gawin. Give and take talaga.
Hindi niyo na alam kung sinasadya namin ‘yung mistake dito kasi minsan, ‘yung mistake, comedy na. And ang comedy, it’s nothing but abnormalizing the normal. So mistake din ‘yun.
Sobrang laking bagay ang paga-adlib dito sa Bulaga kasi karamihan, wala namang script. Laging hindi planado yung mga nangyayari sa Bulaga.
Dito, kasi, pare-pareho kaming alaskador. Wala kaming ginawa dito [kundi mang-alaska], hangga’t hindi kami sumasalang sa entablado, iyan ang pinaka-warm up namin. Kaya pagsalang namin, gising na gising kami.
Ang Bulaga, extension na ng mga bahay namin — extension ng kusina namin to be exact. Pagdating namin [sa studio, tanungan na], “Anong ulam? Anong chismis?”
Iba dito sa Bulaga. Sabihin na nating malungkot ka, at paglabas mo sa entablado, kailangan masaya ka na. Ang iba dito sa Bulaga, makakalimutan mo ‘yung dinadala mo. Paglabas mo sa stage, kusa na lang magiging lively ka na. Siguro dahil makikita mo yung mga tao sa paligid mo, ‘yung audience masaya, pumapalakpak, tumitili. Nababago niya ‘yung mood mo agad-agad. Nali-lift niya yung spirits mo.
Every time we buckle, like when you mispronounce your F’s as P’s, or the short I’s into long I’s, oh my gosh you’ll never hear the end of it. Somebody’s going to notice and they’ll talk about it on air. Other shows, maybe they’ll try to gloss it over and just continue but here, no. Talagang they will isolate it, and turn it big, ha ha!
Alam mo yung feeling na lagi kang may kaibigan? May problem ka or may pinagdaraanan ka, parang hindi mo siya poproblemahin pag andoon [ang Dabarkads]. Hindi mo mararamdaman na may pinagdaraanan ka because of them. And I think nata-translate ‘yun sa TV, sa audience, kaya siguro pag nanonood ng Eat Bulaga ang mga tao, parang ang saya-saya lang nila kasi masaya talaga. Ganoon lang siya. Sobrang light.
Photo from Joey de Leon's Instagram (IG: angpoetnyo)
Eat Bulaga is not tiring at all. I treat it like going to school: You look forward to it kasi you see your friends, you learn something new. Pag may break or walang pasok, nagkikita-kita pa rin kami. We treat each other as family and friends. This is really our life.
Photos from Joey de Leon's Instagram (IG: angpoetnyo)
Eat Bulaga has taught me that — not that you can be good at everything you put your mind to, but that you can do it. I never knew that I could do dance, and even my bosses were shocked to the core that for once in my life, lumambot ‘yung katawan ko. Talagang na-shock sila. That was the first time that Mr. Tuviera commended me for my dancing in my 15 years in the show!
May mga bagay na hindi ko inakalang kaya ko gawin, and Eat Bulaga yung nagpalabas sa akin nu’ng mga maliliit na talent ko. Dito ko lang rin nalaman na, ‘Ay, kaya ko pala siya!’
Na napapatawa ko po sila. Kunwari ‘yung iba may sakit tapos ‘pag napanood kami, parang medyo nakakatulong po kaming magpasaya sa Dabarkads po, ‘yun po yung pinaka-proud ako na nagawa ko.
Nakikita lang nila ako as PA, nu’ng nag-o-audition ako. Nagba-block ng contestants, nagba-block ng hosts, hanggang sa naging floor director ako. Ako ‘yung nagfi-feed ng jokes sa mga hosts, hanggang sa ino-on-cam nila ako, naka-headset pa ako. ‘Yung intindi ko as a floor director, parte ako ng show, nakakasabay sa rhythm. One time, kinausap ako ni Boss, ni Mr. Tuviera. Mag-resign na raw ako. Nanginig dibdib ko. Inisip, ano ba ang nagawa ko? Pagsabi niya sa akin na gagawin nila akong host, hindi na ko nakapagsalita.
Life is simple. Ang laging sinasabi sa amin ng mga boss namin, ‘wag gawing komplicado ang mga bagay-bagay. Simple lang ang buhay, simple lang ang makakapagpasaya sa tao. Gawin lang natin ang totoo.
Parang mga kapitbahay ‘yan. May neighbors kang lagi mong kausap. Tapos may lumipat na bagong kapitbahay, hindi naman ‘pag may bagong kapitbahay, du’n na lagi ang attention mo. Babalik ka pa rin sa old friends mo.
Photo from Joey de Leon's Instagram (IG: angpoetnyo)
Hindi kami lumalayo. Kung ano ang lenggwahe na nakikita ninyo at nababasa na ngayon, ginagawa naming at hindi namin iniiwan ‘yung nakaraan. Mini-mix lang namin.
We adapt to the change. We adapt to the likes and dislikes of people, para hanggang ngayon, nakaka-relate sila sa amin.
Ang Eat Bulaga, sumasabay sa kung ano ang trend. Hindi ka nagpapaiwan sa ito lang, o ito lang. Tuloy-tuloy siya, tapos yung pagmamahal niyo sa loob ng bahay, ‘yung bonding, [tumatagos].
Ang viewers, they are very smart. Hindi mo sila kayang lokohin. Hindi tatagal ang show ng ganitong katagal kung pakiramdam ng viewers, niloloko lang sila. Or kung hindi nila nararamdaman ‘yung sincerity ng mga hosts. The avid viewers of Bulaga know for a fact that this is not just a job for us. This is our life, and we love doing this. Katulad nila, this is part of our everyday lives.
It’s a showcase of different kinds of people — may matanda, may bata, may payat, may mataba, merong nasa LGBTQIA+. We have everyone in all walks of life. Pampamilya, pang-inyong lahat. Kailangan makita niyo ang sarili niyo sa amin.
Sa mga hindi pa nakakapunta sa APT studio, the building is color red. Ang word na pula, i-jumble mo yung letters, you’ll end up with lupa at ulap. Up and down. [It’s symbolic sa kung ano ang] gusto namin: mapagsama yung dalawa sa Eat Bulaga, ‘yung masa at ‘yung sosyal. ‘Yun ang key to success ng Bulaga. Pareho naming kine-cater.
Eat Bulaga has gone places but it’s really the people that keep it going. A lot of people ask me, wala bang pasaway? Wala bang mayabang? Lagi kong sinasabi, paano magkaka-attitude ang mga tao eh yung pinaka-+pillars ng show are so humble, so grounded and so nice. I think they really set a good example to everyone — not only to the hosts but to the staff, to the crew, to the viewers.
Ten years na rin siya at araw-araw, nagjo-joke kami roon, araw-araw mas nararamdaman namin yung mga tao na mas malapit, at mas nakakausap. Ang daming nangyayari, maraming elements kaya maganda, and as a host, mas malaki yung challenge kasi andu'n ka sa labas.
It’s the definitive segment for me! Iba talaga yung thrill. It’s a game for everyone. And anyone can join!
Dahil mas napapalit kami sa tao, mas nakakausap namin sila at mas nai-she-share nila ang kwentong Eat Bulaga nila.
Dahil gumagawa kami ng song, tsaka punches. ‘Yung mga punchlines na comedy, so mas naku-cultivate mo pa ‘yung [creativity].
Yun talaga yung mga kinalakihan kong segment. Tsaka ‘yung Pinoy Henyo! Sobrang pinapanood at inaabangan ng mga tao yung Pinoy Henyo!
Iyan, binalik namin from the ‘90s. At meron pang nauna kay Jericho Rosales. Si Jericho, mga ‘96 yan, at ako pa ang nagsabi sa kanyang ‘wag siya kumanta. Sumayaw na lang. Kasi gusto niya kumanta.
Du’n po nagsimula ang lahat.
Photo from Pauleen Luna's Instagram (IG: pauleenlunasotto)
Iba’t ibang lugar ang napupuntahan namin, iba’t ibang tao ang nakakahalubilo namin — makikita mo talaga, ang hirap [ng buhay]. Maraming taong hirap sa buhay and kami rito, the least we can do and the best we can do is to help them, to give a helping hand, and make them happy. ‘Yung ganoong ka-simpleng bagay, malaking bagay sa kanila. Sila ‘yung konti lang ang meron nila pero sila pa ‘yung nagiging maligaya sa simpleng bagay.
Pag nag-uusap kami [ng mga taga-Barangay], hindi kami parang nasa taping. Kausap namin, parang dumalaw lang kami sa bahay nila. Relax na relax ‘yung mga pag-uusap namin. May tawanan, maya-maya may mag-iiyakan. ‘Pag may magandang boses, may magkakantahan. Makita sa mukha ng tao kung paano siya naging masaya, hindi ‘yung pepekein mo. Iba ‘yung nararamdaman mo. Minsan pati kami, napapaiyak. ‘Yung tulong na binibigay ng Eat Bulaga para sa kanila, panibagong umpisa.
It’s not every day that we’re given an opportunity and that chance to be able to know someone and be able to listen to someone’s struggles and achievements in life. Araw-araw may natututunan ka. Nabubuksan ‘yung mata mo sa iba’t ibang klaseng buhay. Eat Bulaga has evolved from an entertainment show to public service. Npon, ang main goal was to entertain, hindi nila namamalayan, nakakatulong na sila. Nakakapagpabago sila ng buhay. Parang half of the show is public service already.