Filtered By: Showbiz
Showbiz

Another F4 member Ken Chu getting married


Matapos magpakasal si Vic Chou noong nakaraang taon, isa pang miyembro ng grupong F4 na si Ken Chu ang napaulat na nakatakda na ring magpakasal.

November 2015 nang magpakasal si Vic Chou sa Taiwanese actress and model Reen Yu. (Read: F4 member marries Taiwanese actress)

Sa isang artikulo sa The Straits Times, inulat na nag-aplay na umano ni Ken Chu at nobya nitong Chinese actress na si Vivien Han Wenwen, ng lisensiya para maikasal ngayong taon.

Sa mga miyembro ng F4, tanging si Jerry Yen na lang ang natitirang binata.

Taong 2013 nang pakasalan si Vanness Wu ang socialite girlfriend na si Arissa Cheo.

Naging popular ang grupong F4 lalo na sa kaniyang seryeng Meteor Garden noong 2001. -- FRJ, GMA News