Filtered By: Showbiz
Showbiz
PARENTING TEENS

Zoren Legaspi shares how twins Mavy and Cassie are disciplined as they go through teen years


Nagbabago raw ang uri ng disiplina na ibinibigay ng “Marimar” star na si Zoren Legaspi at ng kaniyang asawang si Carmina Villaroel sa kanilang kambal na sina Maverick at Cassandra ngayong teenagers na sila.
 
Fourteen years old na ang magkapatid at iba na raw ang pinagdadaanan nila ngayong nagbibinata at nagdadalaga na ang mga ito.
 
Kabilang raw sa mga bagong pangyayari ngayong tumatanda na ang kaniyang mga anak ang pagkakaroon ng crush.
 
Ayon kay Zoren, “Ngayon that they are 14 years old, ibang stage na sila so ibang disiplina ang kailangan sa kanila. Hindi na katulad dati noong mga bata pa. Ngayon, it's a different chapter, ibang mga pagsubok ang dadating sa kanila.”
 
"Minsan magugulat ka dahil 'yung guy, you can feel na mayroon na siyang, hindi naman crush, pero ina-admire. 'Yung babae ko naman, so far so good dahil wala pa talagang crushes,” paliwanag niya pa.
 
Isa rin daw sa sinusubukan nilang disiplinahin ang paggamit ng social media, lalo na ngayong tila dito na umiikot ang mundo ng mga kabataan.
 
Nais ng mag-asawa na mas magkaroon pa rin ng oras sina Mavy at Cassy para sa kanilang pamilya kaysa sa pag-update ng kani-kanilang social media accounts at pagsilip sa mga kaganapan sa pamamagitan nito.
 
"Lahat kasi ng bata ngayon nasa social media na. I cannot tell them to stop kasi kailangan mo rin ma-update sa social media. At the same time, kailangan may discipline. Doon kami pumapasok. Kapag naramdaman ko na hindi pa sila nagbabasa ng libro ay nasa social media na kaagad, pinapapatay ko ang telepono. Minsan kino-confiscate ko 'yung phone nila for a day. 'Yun lang ang magagawa ko, and then binabalik ko sa kanila," ayon kay Zoren.
 
Dagdag pa niya, "Kapag naramdaman namin na mas marami silang time sa telepono kaysa sa amin, ayun pinapagalitan na sila. Si Carmina kasi ayaw rin ang gumagamit ng telepono on the dining table. Gusto niya sama-sama kami sa table, nag-uusap.”
 
“Although, sometimes you feel bad talaga na hindi nila ma-check ang Instagram nila. Kasi ang mga kaibigan nila, doon na sa chat ang communication so mahirap tanggalin, especially when they have school projects."
 
Gayunpaman, proud daw si Zoren sa kaniyang mga anak dahil kahit na dinidisiplina ang mga ito ay hindi sila nagrerebelde.
 
Aniya, "So far naman, very obedient 'yung kambal, sumusunod sa amin. Pero bata kasi so minsan nawawala ang disiplina. Ang maganda sa kanila, nakikinig, hindi nagrerebelde."  — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News
Tags: zorenlegaspi