PEP: PMPC holds annual Star Awards
Ang ABS-CBN ang itinanghal na Best Station sa ginanap na 21st Star Awards for TV kagabi, November 18, sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Quezon City. Sa kabuuan ay 32 trophies ang napanalunan ng ABS-CBN, samantalang ang rival station nitong GMA-7 ay nakakuha ng 19 trophies. Lima naman ang naiuwi ng sister station ng GMA-7 na QTV 11, dalawa sa IBC 13, at isa sa UNTV 37. Ang Star Awards for TV ay taunang parangal na iginagawad ng mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Star-studded ang naturang parangal na halos lahat ng winners ay dumalo, maliban kina Piolo Pascual na may sakit daw at Vicky Morales na tatlong taon nang hindi sumisipot sa awards night. Hosts noong gabing 'yon sina Boy Abunda, Pops Fernnadez, Ara Mina, at Lorna Tolentino. Incidentally, sina Pops at Ara ay may one thing in common: si Jomari Yllana. Ex ni Jomari si Ara at si Pops naman ang present girlfriend ng aktor. Trivia hosts sina Dingdong Dantes at Luis Manzano. Ang performers ay sina Ogie Alcasid, Dulce, at Sam Milby, Joross Gamboa, Mark Herras, Wendy Valdez, Jopay Paguia, Baywalk Bodies, Saicy Aguila, Anime, Rubi Rubi, Cover Boys, Boyz.Com, at si Marian Rivera. CONTROVERSIAL & FUNNY MOMENTS. Parehong ginawaran ng Excellence in Broadcasting Award sina Mel Tiangco ng GMA-7 at Korina Sanchez ng ABS-CBN. Pinag-usapan at may laman ang speech ni Mel. Malutong at maintriga ang nilalaman ng kanyang talumpati na ten years ago raw ay maraming gustong magpagbasak sa kanya. Matatandaan na sa panahong âyon ay kalilipat lang niya sa Kapuso network mula sa ABS-CBN. Isa lang daw ang nagbigay ng tiwala at naniwala sa kakayahan niya, ang GMA-7. Buti na lang daw at natagpuan niya ang GMA-7, kung hindi ay wala siya ngayon para tanggapin ang naturang karangalan. Pagkatapos ng awards night ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mel sa looby ng Henry Lee Irwin Theater. Tinanong namin siya kung hanggang ngayon ba ay may kinikimkim pa rin siyang sama ng loob kaya siya nagsalita ng ganun sa kanyang acceptance speech. "Ay, hindi kimkim ng sama ng loob âyon," sagot ng respetadong newscaster. "Yun ay pasasalamat sa GMA. Gusto kong iparamdam sa GMA kung gaano sila kahalaga sa akin. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. "Sila ang naniwala sa aking kakayahan at talento. Itinaguyod nila ang aking career. Ginalang nila ang aking pagkatao at ang aking integridad. Binigyan nila ako ng pagkakataon para ipagpatuloy ang aking career. Kung wala sila, wala ako." Natarayan din ang ilang manonood at mukhang may parinig din si Mel nang tanggapin niya ang tropeyong Best Female Newscaster para sa 24 Oras. May kulay raw ang pagkakasabi niya ng motto ng GMA News & Public Affairs na "Walang kinikilingan, walang pinapanigan. Serbisyong totoo lamang." Mukhang pasaring daw ito sa Bandila na nanalong Best News Program. Character din si Tiya Pusit nang tanggapin ang kanyang tropeyo na Best Comedy Actress para sa wala na sa ere na Bahay Mo Ba 'To, ka-tie si Pokwang para sa Aalog-Alog na wala rin sa ere. "After 27 years, ngayon lang ako nagka-trophy, gusto pang hiramin ni Pokwang. Buti na lang si Pokwang ang kahati ko. Plastik!" bahagi ng acceptance speech ng beteranang komedyante. Sinagot naman ni Pokwang ng: "Fetus pa lang ako, pinapanood ko na si Tiya Pusit." Nagkuwento naman si Charo Santos-Concio ng kanyang achievements at karanasan sa kanyang career nang gawaran siya ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Bigo naman si Jeanette Joaquin ng Baywalk Bodies na makuha ang Star of The Night kahit wala siyang suot na pang-itaas at naka-body paint lang ang kanyang boobs. Napanalunan ito ni Lorna Tolentino at natawa kami sa sinabi niyang "Pag nanalo kang Female Star of the Night, parang hindi ka mananalo ng ibang award." Nag-tie sina Kim Chiu (Sana Maulit Muli)at Lovi Poe (Bakekang) bilang Best New Female TV Personality, pero parang nag-isnaban at hindi nagpansinan ang dalawang young actress sa entablado. Hindi man lang inabot ni Kim ang nag-iisang tropeyo kay Lovi at hawak-hawak niya talaga ito. Iniwanan ng veteran actress na si Gina Pareño (Maalaala Mo Kaya) si Pauleen Luna (Magpakailanman) habang nagi-speech ito nang mag-tie sila sa Best Single Performance by an Actress. Marami rin ang nakapansin na hindi nag-escort si Willie Revillame, nanalong Best Male TV Host, kay Janelle Jamer patungo sa stage nang manalo ang huli bilang Best Female TV host para sa Wowowee, samantalang magkalapit lang sila ng upuan. Kung nagawa rawni Willie si Ms. Charo Santos, bakit hindi niya nagawa kay Janelle? Nakayuko rin si Willie at nagte-text nang pasalamatan siya ni Janelle, na wala na sa naturang noontime show ng ABS-CBN. Pero sinabi ni Jamelle pagkatapos ng awards night na wala raw silang problema ni Willie kahit na "hindi kami nakapag-usap ni Kuya, tatlong buwan na." Ano ang reaksiyon niya na hindi siya inalalayan patungo ng stage? "Wala akong masasabi diyan. Si Kuya na lang ang tanungin n'yo. Wala akong galit kahit kanino," tugon niya. Masayang-masaya naman ang staff ng SiS dahil ilang taon na raw silang natatalo sa Best Celebrity Talk Show. Ngayon lang nila nakamit ang tropeyo. Matagal na raw nilang hinihintay ang naturang award. BLOOPERS. May Top 5 din kaming palpak na presenters nung gabing âyon. Nangunguna ang sexy actress na si Tracy Torres, na hindi nabasa na ka-tie ni Pokwang si Tiya Pusit sa Best Comedy Actress kaya hinabol namin siya sa backstage. Pangalawa naman si Sheryl Cruz na na-preempt ang pag-announce ng ASAP â07 bilang Best Musical Variety Show winner, samantalang nasa kategoryang Best Variety Show pa lang sila. Ibang envelope ang nabuksan niya. Mabuti't magaling sumalo ang co-presenter niya na si Snooky Serna dahil ang sabi niya "Pakuwela lang po kami." Pangatlo ang Visayan accent ni Julia Lopez dahil instead na Edu ay "Edo" ang sinabi niya nang manalo si Edu Mnazano bilang Best Game Show para sa Pilipinas, Game KNB. Pang-apat naman si Sam Milby dahil ang sabi niya sa Best Single Performance by an Actress ay "Best Female Performance by an Actress." "Best Single Performance, iho," pagko-correct ng co-presenter niyang si Manilyn Reynes sa kanya sa entablado. Pang-lima ay ang StarStruck Avenger na si Prince Stefan dahil instead na Ricky Reyes lang ang banggitin niyang Best Educational Program Host ay "Gandang Ricky Reyes" ang sinabi. Wow, mali! Lampas alas-otso nagsimula ang Star Awards for TV bagama't 6 p.m. ang nakalagay sa imbitasyon. Ala-una ng madaling-araw na ito natapos. Ang telecast ng Star Awards for TV 2007 ay mapapanood sa RPN 9 on November 24, Saturday. THE WINNERS. Here is the complete list of winners: Best Children Show - Art Angel (GMA-7) Best Children Show Hosts - Pia Arcangel, Tonipet Gaba, and Krystal Reyes (Art Angel, GMA-7) Best Educational Program - Gandang Ricky Reyes (QTV 11) Best Educational Program Host - Ricky Reyes (Gandang Ricky Reyes, QTV 11) Best Travel Show - Trip Na Trip (ABS-CBN) Best Travel Show Hosts - Paolo Bediones and Miriam Quiambao (Pinoy Meets World, GMA-7) Best Reality Competition Program - Here Comes The Bride (QTV 11) Best Reality Competition Program Host - Christine Jacob-Sandejas (Here Comes The Bride, QTV 11) Best Lifestyle Show - At Home Ka Dito (ABS-CBN 2) Best Lifestyle Show Hosts - Raymond Gutierrez, Tim Yap, Issa Litton, and Gaby dela Merced (Living It Up, QTV-11) Best Morning Show - Magandang Umaga Pilipinas (ABS-CBN 2) Best Morning Show Hosts - Julius Babao, Christine Bersola-Babao, Bernadette Sembrano, Cheryl Cosim, Kim Atienza, Anthony Taberna, Lui Villaruz, Renee Salud, Marc Logan, Aida Gonzales, Winnie Cordero, and Ogie Diaz (Magandang Umaga, Pilipinas, ABS-CBN) Best Public Affairs Program - Up Close and Personal (IBC-13) Best Public Affairs Program Host - Marissa del Mar (Up Close and Personal, IBC 13) Best Magazine Show - Rated K (ABS-CBN) Best Magazine Show Host - Korina Sanchez (Rated K, ABS-CBN) Best Documentary Program - I-Witness (GMA-7) Best Documentary Program Hosts - Kara David, Howie Severino, Jay Taruc, and Sandra Aguinaldo (I-Witness, GMA-7) Best Documentary Special - 9/11, The Philippine Connection (ABS-CBN 2) Best Public Service Program - Bitag (UNTV 37) Best Public Service Program Host - Vicky Morales (Wish Ko Lang, GMA-7) Best News Program - Bandila (ABS-CBN 2) Best Male Newscaster - Julius Babao (TV Patrol World, ABS-CBN 2) & Alex Santos (TV Patrol Sabado, ABS-CBN) Best Female Newscaster - Mel Tiangco (24 Oras, GMA-7) Best Youth-Oriented Program - Abt Ur Luv (ABS-CBN) Best Horror/Fantasy Program - Komiks Presents: The Adventures of Pedro Penduko (ABS-CBN) Best Game Show - Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) Best Game Show Host - Edu Manzano (Pilipinas, Game KNB?, ABS-CBN) Best New Male TV Personality - Gerald Anderson (Sana Maulit Muli, ABS-CBN) & Ronnie Liang (ASAP '07, ABS-CBN) Best New Female TV Personality - Kim Chiu (Sana Maulit Muli, ABS-CBN 2) & Lovi Poe (Bakekang, GMA-7) Best Celebrity Talk Show - SiS (GMA-7) Best Celebrity Talk Show Host - Boy Abunda (Homeboy, ABS-CBN) Best Talent Show Program - StarStruck: The Next Level (GMA 7) Best Talent Show Program Hosts - Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, and Raymond Gutierrez (StarStruck: The Next Level, GMA 7) Best Showbiz-Oriented Talk Show - The Buzz (ABS-CBN) Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host - Boy Abunda (The Buzz, ABS-CBN) Best Female Showbiz-Oriented Talk Show Host - Cristy Fermin (The Buzz, ABS-CBN) Best Gag Show - Bubble Gang (GMA-7) Best Comedy Show - Bahay Mo Ba âTo? (GMA-7) Best Comedy Actor - Ogie Alcasid (Bubble Gang, GMA 7) Best Comedy Actress -Pokwang (Aalog-Alog, ABS-CBN) & Tiya Pusit (Bahay Mo Ba âTo?, GMA-7) Best Daytime Drama Series - Sine Novela Presents: Sinasamba Kita (GMA-7) Best Weekly Daytime Drama Series - Love Spell (ABS-CBN) Best Primetime Drama Series - Maging Sino Ka Man (ABS-CBN) Best Drama Anthology - Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) Best Variety Show - Eat Bulaga! (GMA-7) Best Musical Variety Show - ASAP '07 (ABS-CBN) Best Male TV Host - Willie Revillame (Wowowee, ABS-CBN) Best Feale TV Host - Janelle Jamer (Wowowee, ABS-CBN) Best Drama Actor - John Lloyd Cruz (Maging Sino Ka Man, ABS-CBN) Best Drama Actress - Sunshine Dizon (Bakekang, GMA-7) Best Single Performance By An Actor - Piolo Pascual ("Piso" / Maalaala Mo Kaya, ABS-CBN) Best Single Performance By An Actress - Gina Pareno ("Rehas"/ Maalaala Mo Kaya / ABS-CBN 2) & Pauleen Luna (Sa Dulo Ng Pag-Ibig: The Olivia Ortiz Story" / Magpakailanman, GMA 7) Best Station - ABS-CBN Male Face of the Night: John Lloyd Cruz Female Face of the Night: Bea Alonzo Male Star of the Night: Dingdong Dantes Female Star of the Night: Lorna Tolentino - Philippine Entertainment Portal