Mikoy Morales, inamin ang break-up nila ni Thea Tolentino
Hiwalay na sina Mikoy Morales at Thea Tolentino.
Inamin ito mismo ni Mikoy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso sitcom na Pepito Manaloto, sa Casa Milan Village, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, August 10.
Apat na taon ding tumagal ang kanilang relasyon.
Nagsimula ang rebelasyon ni Mikoy nang tanungin ng PEP kung ano ang sikreto ng relasyon nila ni Thea.
Sagot ng 23-year-old actor-singer, "Yung honesty tsaka yung parang pagiging open-minded, yung pagiging understanding sa isa’t isa tsaka sa work."
Sumunod ay tinanong namin kung napag-uusapan na ba nila ni Thea ang tungkol sa kasal.
Dito na umamin si Mikoy na break na sila.
“Actually… nagkanya-kanya na kami.
“Nagkanya-kanya na kami, pero anyway… we’re on good terms.
“Ako pa ang na-timing-an na unang nainterbyu!” sabay tawa ni Mikoy. —PEP