Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alma Moreno, ikinalungkot ang nangyayari sa Marawi City


Habang nasa Hong Kong si Alma Moreno ay nagulat siya sa ilang nagti-text sa kanya nang sumiklab ang gulo sa Marawi City.

Ang ilan daw sa mga nagti-text sa kanya ay hindi pa alam na matagal na silang hiwalay ng dating alkalde ng Marawi City na si Fahad Salic.

Kuwento ni Alma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat ako, kasi sabi ko sa kanila, matagal na kaming hiwalay at matagal na kaming walang komunikasyon.

“Wala naman kaming problema nun, mabait naman yun sa amin sa mga anak ko.”
Nalungkot lang daw siya dahil ilang beses din siyang nakapunta ng Marawi bilang bahagi ng trabaho niya nung konsehal pa siya ng Parañaque at dating presidente ng Philippine Councilors’ League.

Saad niya, “Siguro mga tatlong beses ako nakapunta doon dahil may mga kakilala akong konsehal din doon.

“Mababait pa naman ang mga tao dun.

“Nalungkot ako nang nakita ko sa news na nadadamay pati mga sibilyan.

“Dasal ko nga na sana matapos na, na maayos na yung problema dun kasi nakakaawa yung mga sibilyan na namamatay.

“Nalungkot ako dun, isinama ko yun sa dasal ko yun na magkaroon na ng katahimikan, kasi nakakaawa, e.”

READ: Alma Moreno has decided to separate from husband Mayor Fahad Salic

Ikinasal sina Alma at Mayor Salic noong March 21, 2009, sa Cebu City, at naiulat ang kanilang paghihiwalay noong Enero 2014. -- For the full story, visit PEP.ph