Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anak ni Joey Marquez, kabilang sa mga pumasa sa 2016 Bar exams




Isa nang abogado ang anak ni Joey Marquez sa dating aktres na si Brenda del Rio.

Kabilang si Joween Ann Marquez sa 3,747 aspiring lawyers na pumasa sa Bar exam base sa resultang inilabas ng Supreme Court noong Miyerkules, May 3.

Sa pamamagitan ng Facebook post niya nitong Huwebes, May 4, nagpasalamat si Jowee Ann sa mga taong naging bahagi ng tagumpay niya, at isa rito ang kanyang ama.

Sabi niya, “Papa, thank you for making me stronger, who I am today, for pushing me to strive harder and higher in everything that I do.

“You have taught me lessons I never would have learned in a classroom. Thank you.”

Si Jowee Ann ay nagtapos ng kursong Political Science sa Ateneo De Manila University.

Natapos naman niya ang abogasya sa College of Law sa San Beda Alabang.

Bukod kay Jowee Ann, may isa pang anak si Joey kay Brenda—ang dating Abt Ur Luv star na si Zia Marquez.

Narito ang mensahe ni Zia para sa kanyang ate:


-- For more showbiz news, visit PEP.ph