Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo acknowledges impact of original 'Mulawin'




Si Dennis Trillo ang gaganap bilang si Gabriel sa upcoming GMA-7 telefantasya na Mulawin vs. Ravena. Si Gabriel, ang dating Prinsipe ng mga Ravena, ay siya nang Hari ng Halconia.

Dahil wala na si Aguiluz (na ginampanan noon ni Richard Gutierrez) ay si Dennis na ang masasabing bida rito.

IN PHOTOS: 'Mulawin vs. Ravena' characters revealed

Siya rin ang gumanap bilang Gabriel sa original series na umere thirteen years ago.

“Isa ako sa mga original na cast. Sinuwerte.

“Tuloy ang kuwento ni Gabriel at ang kuwento ng Mulawin after nung TV series tsaka nung movie [2005].

"So dun sa mga Kapuso, lahat ng sumubaybay na nabitin dun sa kuwento, ito na yung kadugtong.

“Malalaman nila kung ano yung nangyari kay Alwina [si Angel Locsin noon; si Heart Evangelista ngayong 2017] matapos mamatay si Aguiluz.

“Nagkaroon sila ng anak, so ito yung continuation,” kuwento ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong launch niya bilang bagong endorser ng Chicken Deli sa Chicken Deli branch sa SM North EDSA Annex.

Ni-launch ang cast members ng Mulawin Vs. Ravena noong March 27 sa 24 Oras.

Si Derrick Monasterio (bilang Almiro) ang gaganap na anak nina Alwina at Aguiluz.

Si Miguel Tanfelix, tulad ni Dennis, ay nagbabalik bilang si Pagaspas at ang ka-loveteam ni Miguel na si Bianca Umali ang bagong Lawiswis (na unang ginampanan ni Sam Bumatay).

Si Carla Abellana ang bagong Aviona (na ginampanan noon ni Bianca King),
Bagong karakter si Regine Velasquez-Alcasid bilang si Sandawa.

New character din ang gagampanan ni Lovi Poe bilang si Magindara, at ang ka-loveteam ni Derrick na si Bea Binene ay si Anya, anak ni Aviona.

Si Kiko Estrada ang magiging katrayanggulo ng DerBea bilang si Rafael, at si Chynna Ortaleza si Rashana, ang asawa ni Gabriel at reyna ng Halconia.

Nasa cast rin si Winwyn Marquez bilang Ribay, Valerie Concepcion bilang Tuka, ina ni Lawiswis, Charee Pineda bilang Savana, Roi Vinzon bilang Daragit, Angelu de Leon bilang Lourdes (ginampanan dati ni Amy Austria), Bobby Andrews bilang Dionisio, TJ Trinidad bilang Greco, Dion Ignacio bilang Siklab, Joko Diaz bilang Antonio, David Licauco bilang Malik, at si Ms. Nova Villa bilang Lola Elo. -- For more showbiz news, visit PEP.ph