Is Ryza Cenon ready to be a part of Barretto family?
Apat na buwan na ang relasyon ng Kapuso actress na si Ryza Cenon sa aktor na si Cholo Barretto.
Nagkakilala at nagkamabutihan sina Ryza at Cholo nang gawin nila ang indie film na Manananggal noong 2016.
Ayon sa StarStruck Season 2 winner, masaya ang relasyon nila ni Cholo at mas nakikilala pa nila ang isa’t isa.
“Yung mga nadi-discover, mga ugali…
“Ano siya, e, medyo conservative type
“Hindi naman sobra, pero medyo lang.
“Sa mga pananamit ko, ganun. Pero in a good way naman po.
“Minsan kasi, nakikitaan ako, like yung bra, sinasabihan niya ako na, 'Minsan maging aware ka.'
“Like sa scene daw, kaka-struggle ko, nakikitaan daw ako.
“May pagka-overprotective din.”
Gusto ba niya yung ganun?
Tugon ni Ryza, “Oo naman. Sa mga babae naman, gusto nila 'yon, yung may nagpu-protect.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa taping ng afternoon drama series ng GMA Network na Ika-6 Na Utos.
Sa isang social media post, sinabi ni Cholo na gusto niyang si Ryza na ang maging huling babae sa buhay nito.
Sa kaso naman ni Ryza, si Cholo rin ba ang gusto niyang maging huling lalaki sa buhay niya, pagkatapos ng apat na failed relationships?
“Sana, sana po, wish ko lang,” sambit ng 29-year-old actress.
“Siyempre, tumatanda na rin po.
“Kapag nagsasama-sama kaming magkakaibigan, si Chynna [Ortaleza], LJ [Reyes], ako lang ang single.
“Parang ang mga pinag-uusapan nila, yung mga anak nila.
“Parang ako, ‘Puwede nating pag-usapan si Mallows, yung aso ko?’”
Si Chynna ay kasal at may anak na sa singer-actor na si Kean Cipriano; si LJ naman ay may anak na rin at karelasyon ngayon ang Kapuso actor na si Paolo Contis.
Ayon kay Ryza, napag-uusapan na rin naman nila ni Cholo ang mas malalim pang puwedeng kahantungan ng relasyon nila, tulad ng kasal.
“Nag-o-open up. Pero sinasabi ko naman na masyado pang maaga, kailangang planuhin 'yon.
“At saka, dapat ready. Dapat lahat ready, mahirap bastang pumasok.”
Kailan kaya siya magiging handa?
Sagot niya, “Give me two years, kasi nanghihinayang din po ako.
“Ang tagal ko rin hinintay yung ganitong opportunity.
“Parang kung kailan naman nandito na ako, saka naman parang i-end agad.
“Bigyan ng two years pa, 2019, mga ganun.
“Sakto na rin sa age ko yun, 31.” -- For the full story, visit PEP.ph