Filtered By: Showbiz
Showbiz

Renz Valerio explains his stop-and-go courtship of Lindsay de Vera


Naging malihim noong una ang Kapuso teen actor na si Renz Valerio sa balitang nililigawan niya ang Kapuso teen actress na si Lindsay de Vera.

Gusto raw sana niyang maging secret muna ang lahat.

Pero tumigil pansamantala si Renz sa kanyang panliligaw kay Lindsay dahil kapwa sila naging busy.

“Medyo pareho po kaming busy ngayon,” ayon sa dating child actor nang makapanayam namin kamakailan sa set ng "Hahamakin Ang Lahat" ng GMA-7 sa Sta. Mesa, Manila.

“Meron po siyang Alyas Robin Hood, meron naman po akong Hahamakin Ang Lahat.

“Parang naputol din po ang communication namin dahil nga po sa trabaho.

“May time na parati kaming nagkakausap, ngayon bihira na po.

“Nauunawaan ko naman po dahil busy rin po si Lindsay sa work.

“Pinagsabihan na rin ako na mag-concentrate muna ako sa work at school, tigilan ko raw muna ang panliligaw.

“Kapag naging libre na ulit ang oras namin, ituloy ko po ang panliligaw kay Lindsay.

“Kasi nasimulan ko na, ayokong basta na lang itigil iyon.”

Kuwento pa ni Renz na matagal na raw silang magkaibigan ni Lindsay.

Nagsimula silang maging close friends noong may gawin silang TV commercial na magkasama.

Hanggang sa pareho na silang naging artista sa GMA-7 ay nanatili pa rin ang special friendship nila. -- For the full story, visit PEP.ph