Max Collins ready to settle down with boyfriend Pancho Magno

Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ni Max Collins dahil sa magandang takbo ng kanyang career, pati na ng kanyang love life.
Nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-apat na anibersaryo ngayong taon si Max at ang kanyang boyfriend na si Pancho Magno.
"We're really just happy and we're trying to go stronger in church and in our careers as well," pahayag ng Kapuso actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Ever Bilena photo shoot, na ginanap sa Antipolo nitong Huwebes, January 12.
Ano ang pinaka nagustuhan niya kay Pancho?
Tugon ni Max, "He's very God-fearing. He's a gentleman, and he's just very caring and giving. Hindi siya selfish at all."
Handa na ba siyang iwan ang kanyang single life at magpakasal sa Encantadia cast member?
Mabilis na sagot niya, "Of course, of course.
"Yes, in the future.
"We're just really preparing for that, but that's the goal."
Napag-uusapan naman na raw nilang dalawa ang kasal.
Pero ayon kay Max, "We just have to make sure that we're ready."
Nararamdaman ba niyang anytime soon ay magpo-propose na si Pancho sa kanya?
"Oh, my gosh! Siguro, yeah," kinikilig niyang sagot.
"But then, parang napag-uusapan na namin na we're going to make sure that nakapag-ipon na kami, and when we're like financially steady, then go na, ready na." -- For the full story, visit PEP.ph