Filtered By: Showbiz
Showbiz

James Blanco will not leave showbiz despite plan to migrate in New Zealand



 

Wala raw planong iwan ni James Blanco ang showbiz sa kabila ng balitang magma-migrate na siya sa New Zealand kasama ang kanyang buong pamilya.

Paglilinaw ng aktor, “Next year, pupunta akong New Zealand.

“Dapat this December, e. Pero hindi pa naman [magma-migrate], kasi yung eldest daughter ko nga is graduating sa Grade 6.

“So, by next year, regalo namin sa kanya, tapos birthday niya at ng wife ko at the same time, kaya pupunta kami.

“Gusto kasi nilang makakita ng snow. Kasi December dun, summer, e.

“So, we decided na April na pumunta dun.”

Patuloy niya, “Maghahanap pa din kami dun ng schools at possible na aming titirhan.

“Pero hindi ibig sabihin ay ihinto ko ang pag-aartista.

“Kasi, ito ang passion ko, e.

“Siguro kung wala akong trabaho dun, balik ako dito.

“And since naman may wife is a citizen, so wala namang problema.

“Sa ngayon kasi, ang status ko, tourist pa rin, pero multiple entry,” saad ng aktor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon kamakailan ng pelikulang "Mang Kepweng Returns."

Mahirap raw para kay James na iwan ang industriyang naging malaking bahagi na ng kanyang buhay.

Binata pa siya ay ito na raw ang trabahong minahal niya.

“Ako naman, ang paniniwala ko kasi, lagi na, kahit noong nag-start ako, may time para sa lahat ng tao, e.

“Hindi naman puwedeng ikaw na lang lagi.

“Pero hangga't nandun yung pagkakataon, yung oportunidad, hindi ako magsasawa.”

Fifteen years nang kasal sina James at Tanya, at may tatlo silang anak.-- For the fulls story, visit PEP.ph
 

Tags: jamesblanco