Filtered By: Showbiz
Showbiz

Valeen Montenegro reveals her parents do not approve of her Fil-Spanish bf


Hindi masagot ng Kapuso actress na si Valeen Montenegro kung makakasama niya sa Noche Buena ngayong December 24 ang Fil-Spanish boyfriend na si Selu Lozano.

READ: Valeen Montenegro, ipinakilala na sa publiko ang long-time boyfriend

Naging open si Valeen sa pagsabing hindi pa tanggap ng kanyang parents ang pakikipagrelasyon niya kay Selu, kahit na pitong taon na ang kanilang relasyon.

Nahihirapan daw ang Sunday PinaSaya at Bubble Gang mainstay na ipaunawa sa kanyang mga magulang na mahal niya ang boyfriend, at nais niyang magkaroon ito ng magandang relasyon sa kanila.

Kahit 26 years old na raw siya, overprotective pa rin sa kanya ang kaniyang parents.

Saad ni Valeen nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang press conference ng pelikulang  Mang Kepweng Returns, siya ang bunso at kahit daw ang naging boyfriend niya noon ay tila naging mahirap na tanggapin ng kaniyang mga magulang.

“That’s why kahit na may mga special occasion sa bahay namin, hindi ko ma-invite ang boyfriend ko, kasi baka magkakaroon ng awkward feeling with my parents.

“I know where my parents are coming from. They just want the best for me.

“Pero sana naman, dahil nasa tamang edad na ako, matanggap na nila nang buo ang taong mahal ko.

“Yun lang naman ang gusto kong mangyari. Para, di ba? Happy family na kami.”

Ang pinakagusto raw ni Valeen kay Selu, bukod sa sweet ito at physically fit, ay ang pagkahilig nito sa mga bata.

At kahit matagal na ang kanilang relasyon, wala pa raw sa isip ni Valeen sa ngayon na lumagay sa tahimik dahil marami pa siyang gustong makamit sa kaniyang career.

Saad niya, “Actually, ang ganda ng 2016 ko.

“I had Sunday PinaSaya, Bubble Gang; nagkaroon ako ng teleserye with Ms. Regine Velasquez-Alcasid [Poor Senorita]; and now I have a movie with Vhong Navarro na "Mang Kepweng Returns."

“It’s all coming to me so fast na nakakatuwa.

“Kahit na may mga pinagdaanan tayong mga intriga, parang okey lang na nangyari lahat iyon. It made me a stronger person.”

Dugtong niya, “Sa pagpapakasal, hindi pa po muna.

“I am still young and marami pa akong gustong mangyari sa career ko.

“Siguro in two years time… bago ako mag-30 years old… baka ma-consider ko na to settle down. -- For the full story, visit PEP.ph