Ara Mina on new suitors: 'In fairness, hindi na ako trip ng mga DOM ngayon'
Umamin ang aktres na si Ara Mina na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.
Pero hindi muna raw niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin.
Natatawang sabi ni Ara, “May mga nagpaparamdam, all ages...
"Hindi naman DOM [dirty old man], in fairness, hindi na ako trip ng mga DOM ngayon.
"May mga siguro five years younger, may mga 10 years younger. May celebrity, may hindi.
"Open naman ako sa dating, kaso, as of now, hindi ko pa sila mabigyan ng time, kasi medyo may ginagawa akong soap."
Ang tinutukoy na soap ni Ara ay ang upcoming Kapuso afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.
Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ng dating nobyong si Mayor Patrick Meneses, kung saan mayroon siyang isang anak na babae.
Ayon kay Ara, naka-move on siya sa ginawang pag-iwan sa kanya ng alkalde ng Bulacan, Bulacan.
“Dalawang taon na si Mandy and single pa rin ako. Pero we're friends, magkaibigan naman kami.”
Paano nila napapanatili ang kanilang maayos na pakikitungo sa isa’t isa?
Saad ng aktres, “I think mabait ako.
"Hindi ko ipinagdadamot ang anak ko, kaya kung mapapansin niyo yung anak ko, very jolly, very full sa pagmamahal.
"Kasi kapag ipinagkait mo, bitter-bitter-an ka pa…
"Oo, masakit yung nangyari na hindi kami nagkatuluyan o iniwan niya ako, pero I think we need to move on. Naka-move on na ako.
"Anytime na gusto niyang kunin, nahihiram niya.
"Basta every Sunday, nasa kanya, nasa lola niya, tsaka pag may mga special occasions.
"Maganda kasi yung may nagigisnan siyang tatay."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa second birthday celebration ng anak nila ni Mayor Patrick na si Mandy noong Sabado, December 16, sa Quezon City. -- For the full story, visit PEP.ph