Paolo Contis on LJ Reyes: 'I'll be stupid to let her go'
Ipinakita ng aktor na si Paolo Contis ang kaniyang lubos na suporta sa kasintahang si LJ Reyes nang dumalo sa launching ng "MApp," na ang founder ang mismong aktres.
Bagamat ayaw nang idetalye ni Paolo ang eksaktong petsa kung kailan naging sila ni LJ, siniguro ng aktor na pareho silang masaya sa estado ng kanilang relasyon.
Aniya, “We’re happy, and wala naman kaming inaapakang tao, so tuluy-tuloy lang, masaya lang.”
Sa ngayon, hindi pa masasabing legally single si Paolo dahil dinidinig pa rin ng korte ang petition for annulment nila ng estranged wife niyang si Lian.
Umaasa ang Kapuso actor na i-grant ito ng korte sa susunod na taon. Lalo pa’t may sarili na ring buhay ang dati niyang asawa na si Lian Paz kasama ang partner nitong si John Cabahug.
Patuloy ni Paolo, “Hopefully, next year magkaroon ng magagandang development. We’re doing everything we can naman.”
Kung sakaling maging legally single ulit ang binata, plano na ba nila ni LJ na magpakasal na rin o magpapahinga muna siya bilang bachelor?
Sagot ng Kapuso actor, “Yung pahinga, matagal ko nang ginawa yun. Matagal na rin namang wala [kami ni Lian].
“Siyempre, hindi ko masasabi what the future brings, pero I can say na anything, anyone can wish for in a woman is with LJ.
“I think, I’ll be stupid to let her go.”
Sinsero ring inamin ni Paolo na nakikita niya kay LJ ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.
“Ayokong magsalita ng patapos, pero siyempre, yung inspiration mo to move on completely, si LJ ang nagbigay sa akin nun.
“Gusto kong maayos lahat because of her, and of course, meron din naman akong pangarap for my kids.
“Well, actually, ang pangarap namin, maging maayos ang relationship namin with Lian [Paz] and John [Cabahug] para maging harmonious, ‘ika nga.
“Nakikita ko naman it will come,” positibong sabi ni Paolo.
Base sa kuwento ni Paolo, tila unti-unti nang nabibigyang katuparan ang pangarap niyang maging maayos ang unusual family set-up nila ng estranged wife niyang si Lian.
“Siyempre, hindi mo naman itutulak nang itutulak ‘yan.
“Actually, thankful ako nung time na yun [sa Cebu], three days nilang nakasama yung mga bata, thank you nga ako nang thank you kay Lian.”
Gusto rin daw ni Paolo na maayos ni Lian kung anuman ang plano nito at ng karelasyon na si John.
“I’m sure si John wants din ng tuluy-tuloy na relasyon, maayos [lahat], especially they have a kid na.
“Sana, makita ng ano natin yun... to grant us [an annulment] para everybody happy.” -- For the full story, visit PEP.ph