Filtered by: Showbiz
Showbiz

'Eat Bulaga!' newcomer Taki denies imitating Maine Mendoza




Regular nang napapanood sa "Eat Bulaga!" si Taki bilang isa sa pinu-push ngayon ng Triple A at TAPE Inc.

Reaksyon ng 16-year-old, “Yes, and I’m super thankful.

“It’s everyday learning to achieve the goal that they want me to have.

“And we’ve been talking so much, they support me.

“What I like most about TAPE, when I have problem or merong disagreement, I talk to them and very supportive po sila sa akin.

“Kahit gaano po ako kakulit, kahit gaano po ako pasaway.”

FAME AND BASHERS. Mahigit isang taon pa lang si Taki simula nang ipakilala siya ng Triple A na isa sa mga bago nitong talents.

At kasabay ng pag-ani niya ng tagumpay ay ang pagsulpot ng bashers.

May nagsasabing ginagaya raw niya ang mga istilo ni Maine Mendoza.

Lahad ni Taki, “To be honest, marami pong tao ang nagsasabi niyan.

“Ate Maine is one of my idols, sa pagdadamit, character niya.

“Because [no matter] how famous she is, she’s still grounded.

“Kahit na gaano siya kasikat, she’s still grounded and very friendly.

“And I love her style of damit, kaya minsan magkaparehas kami, pero I’m not making gaya.”

Natatawa lang daw siya sa sinasabing panggagaya niya.

“I just laughed at it kasi it’s clothes at kahit sino naman po siguro, puwedeng magsuot ng ganun.

“Siguro, that’s part of my job, that it’s not always good comments, may mga bad feedback.

“Minsan, may mga comments na mapapaisip din ako, ‘Ay, oo nga, parang ginaya ko siya sa damit.’

“Or, ‘Ay, oo nga, ganun pala ang boses ko.’

“Marami pong bashers sa boses ko, masyado raw pong pa-cute.”

Ano ang pinakamasakit na pangba-bash na natanggap na niya?

“Pabebe raw po ako at magalawgaw sa mga boys.

“Pero hindi po ganun, kasi ang tingin ko po sa kanilang lahat, mga tropa ko, mga kuya-kuya.

“Nao-offend po ako kasi, for me, we’re just very close friends.”

Na-conscious na siya?

“Yes, I’ve been making ingat, pero sabi ni Mama sa akin, 'Don’t make ingat kasi, it’s you.

“‘Ganun ka naman, you’re bubbly, you’re friendly.

“‘Bakit mo naman babaguhin ang sarili mo for only few comments?’”

ATE MAINE. Yung mga fans ni Maine, ano naman ang masasakit na nasabi sa kanya?

“Yun nga po, na gaya-gaya raw po, pinapalitan ko raw siya sa Eat Bulaga!.

“Parang sabi ko, hindi ko naman po siya pinapalitan.

“She’s like my mentor na nga minsan, e. So ako, parang 'Grabe naman po kayong magsalita.’

“Mag-ate na nga po kami sa Eat Bulaga! at sa Triple A, super okey naman po kami.

“Sabi rin niya, ‘Okey lang ‘yan, Taki, ‘wag mo lang pansinin at basta maging masaya ka lang.’

“Si Ate Maine is very friendly, ate-ate and she’s always there to comfort me.”

Kung si Maine ay napasikat ng Eat Bulaga!, ganun din kaya ang plano sa kanya?

“Wish ko po, wish ko po na ganun ang plano nila sa akin,” natawang sabi ni Taki.

“Pero siyempre, gagawin ko po ang lahat and I’m learning every single day with Eat Bulaga! hosts and everyone around me.

“I’m just absorbing everything and learning at sana ma-achieve ko po yun.” -- For the full story, visit PEP.ph