Christopher de Leon admits he once lost everything to drugs
Inaanak ni Christopher de Leon si Mark Anthony Fernandez kaya naman naapektuhan ang aktor sa pagkakaaresto nito dahil sa marijuana.
Pahayag ng Drama King, “Oh, wow, wow… shocked! A kilo… of marijuana? That’s kinda hard to tackle, ‘no?"
“Hopefully, one of these days, I can visit my inaanak... inaanak ko pa yun! Just be there, just visit him and make him feel that we care. Kasi wala ka namang masasabi, 'pag nandun ka sa loob, masasabi mo bang, ‘Kumusta ka?’ or ‘Okay ka lang ba?’"
“Ang hirap… kasi ang kulungan talaga is hell, it’s hell!”
Kuwento pa niya, “Kasi naaalala ko yung pamangkin ko, 'di ba, sa Vizconde? Oo, acquitted, wala namang kasalanan, ang tagal, ang tagal [nakulong]."
“And every time I went there, it was just, like, halos tahimik lang kami. Tapos, kuwento ng ibang mga kalokohan!”
Ang pamangking tinutukoy niya ay si Tony Boy Lejano, anak ng kapatid ni Boyet na si Pinky de Leon, na nasangkot, kasama ang anak ni Freddie Webb na si Hubert Webb, sa controversial Vizconde massacre noong 1992 at nakulong ng 15 taon.
Kumusta na si Tony Boy ngayon?
“Ah, he’s all over the world!” at tumawa ang aktor. “Biyahe nang biyahe.”
BEEN THERE, DONE THAT. Bilang isang artista, ano ang masasabi ni Christopher sa kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga?
Lalo’t may listahan umano ng celebrities na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa award-winning actor, “Well, tama na, tama na yung pakinggan natin ang Presidente. Pakinggan natin yung mga babala… let’s get serious, let’s stay away."
“Demonyo ‘yan, demonyo talaga 'yang droga, alam ko ‘yan. I’ve been there, I’ve done that and the only way that I was delivered from that was God. So, tamang-tama lahat ‘yan, sana maging way nila is to surrender themselves to our Maker.”
Pagbabahagi pa ni Christopher, “During those days na I was taking it, I was losing everything. I was selling stuff, nobody wanted to get me for projects anymore. Friends were shying away from me, my parents were worried like hell. 'Yung family ko, iniwan ako."
“Wala kang panalo diyan. Hang on to God, kapit-tuko ka sa Panginoon, eventually, He will make a way for you.”
Pagpapatuloy pa ng Philippine Drama King hinggil sa isyu ng droga, “Tama si Presidente… nagugulat nga ako. Akala ko nag-phase out na yang fad na ‘yan, e! Meron pa pala, e, ang dadami nilang nakukuha!” —Pep.Ph