Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lindsay de Vera, pangarap na maging leading man si Dingdong Dantes


Bini-build up bilang future leading lady ng GMA-7 ang dating child actress na si Lindt Johnston na kilala na ngayon bilang si Lindsay de Vera.

Kasama sa malaking cast ng Kapuso primetime teleserye na "Alyas Robin Hood" ang 16-year-old Fil-British teen star bilang si Lizzy, ang pamangkin ni Pepe de Jesus (played by Dingdong Dantes).

Ito ang second time na makatrabaho ni Lindsay ang Kapuso Primetime King.

Nagkasama na sila in 2015 sa teleserye na "Pari 'Koy."

Balang-araw daw, kung mapagbibigyan siya, gusto ni Lindsay na maging leading man si Dingdong sa isang teleserye.

"Siguro mga four years from now, I would love to be Kuya Dong's leading lady. Nothing is impossible naman po, di ba? Saka libre naman po ang mangarap."

"Feeling ko naman po, hindi lang ako ang may dream na maging leading man si Kuya Dong. Every actress my age dreams of being paired with him. I'm just lucky na twice na po kaming nagkasama sa teleserye,' pahayag pa ni Lindsay.

Nagsimula si Lindsay bilang child actress sa edad na 8 years old at una siyang lumabas sa Krismas-serye na "Jillian: Namamasko Po" na pinagbidahan noon ni Jillian Ward.

Sunod siyang napanood sa ibang shows ng GMA-7 tulad ng "Jollitown,"  "Cielo de Angelina," at "Second Chances."

Nakagawa rin siya ng maraming TV commercials tulad ng Jollibee, Baby Flo, Rebisco, Selecta, Lipps Candy at Milo.

Hinirang din bilang Miss Teen Pangasinan 2015 si Lindsay.

Gusto niyang maging katulad ng mga veteran co-stars niya sa "Alyas Robin Hood" na sina Jaclyn Jose and Cherie Gil.

"I wish to leave a mark in showbiz. 'Yung habang bata pa ako, makikilala ako as this actress na kayang gawin ang kahit na anong role."

"Just like sina Tita Jane [Jaclyn] and Tita Cherie, ang gagaling nila. Kahit na anong role ay kaya nilang gampanan."

"I want to be like them balang araw. Yung mananalo rin ako ng mga acting awards," diin pa niya. -- For the full story, visit PEP.ph