Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gladys Reyes confirms she’s pregnant with fourth child


 


Buntis si Glady Reyes sa ika-apat na anak nila ng kanyang mister na si Christopher Roxas.

Kung si Gladys ang masusunod, ayaw na muna raw sana niyang masundan ang tatlong anak nila ni Christopher.

Pero gustung-gusto naman daw ng kanyang mister na magka-baby ulit.

Noong September 13, sa press conference ng Oh, My Mama!, ang bagong GMA-7 afternoon show na kinabibilangan ni Gladys, sinabi nitong ayaw na muna niyang magbuntis uli.

Nang sabihing baka masundan na ang bunsong anak na si Grant, mabilis na sagot ng aktres: “Hindi, ayoko. Pero si Chris, siyempre gusto pa niya.”

Pero tila nasunod ang gusto ni Christopher dahil isang magandang balita ang bumulaga sa aktres nang mag-positibo ang pregnancy test nito kamakailan.

Nitong Martes, September 27, nag-post na nga si Christopher sa kanyang Instagram account at tuwang-tuwang ibinalita na magiging tatay ulit siya.

“Never been more happier in my life. Another child in our family.

“Been looking for something to motivate me. Instead of something, you gave me someone.

“I’m just grateful, dear God. Now, give me your magic. I’ll do all the work.

“Thank you so much. #babysoon #teamjohnwilkie #fonzyrocks #daddynanamanako.”

 

 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook nitong Martes, September 27.

Ipinaalala namin sa kanya ang napag-usapan namin noong press conference ng Oh, My Mama! dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sabi ni Gladys tungkol dito, “Hindi ko pa alam noong presscon [na buntis ako]. A few days ago lang akong nag-test.”

Kaninang madaling-araw lang din daw nalaman ng mister niya ang magandang balita.

Nag-home pregnancy test daw ang aktres dahil may naramdaman siyang kakaiba sa katawan.

“Nahilo akong bigla at naging sensitive ang pang-amoy ko.”

Made in the US

Sigurado raw si Gladys na made in the USA ang ika-apat na anak dahil bago raw sila pumunta roon ay nagkaroon pa siya ng monthly period.

Aniya, “Yes, made in [the] US, for sure.

“Kasi nagkaroon pa ako before kaming magpunta ng US.

“Hindi ko lang sure kung sa San Francisco ba o sa Miami.”

Kagagaling lang nina Gladys sa bakasyon sa Amerika.

Naiwan pa roon si Christopher ng ilang linggo kasama ang nanay at kapatid nito; kaninang umaga lang sila nakabalik ng Pilipinas.

Not a hindrance to work

Sa ngayon, bukod sa pagkahilo ay okey naman daw ang paglilihi ni Gladys.

Nasa unang trimester pa lang si Gladys at tingin naman niya ay hindi magiging problema ang kanyang pagbubuntis sa trabaho, kung pagbabasehan ang pagbubuntis niya noon sa ikatlong anak.

Kahit daw nasa last trimester na siya ay nagti-taping pa rin siya noon.

Mayroon nang tatlong anak sina Gladys at Christopher: sina Christophe, Aquisha, at Grant. —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.